Cute na cute na bunsong anak ni LJ Reyes na si Summer, nagpakitang gilas sa pagpo-posing

Hindi lamang instant workout buddy ng aktres, TV host, at celebrity mom na si LJ Reyes ang kanyang napaka-cute na bunsong anak na si Summer, kung hindi ito rin ay kanyang naging partner pagdating naman sa pagpapa-cute at pagpapa-ganda sa harap ng kamera.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Matatandaang ginulat at pinahanga ni LJ ang mga netizens, matapos niyang ibahagi ang ilan sa kanyang mga magagandang larawan na kuha mula mismo sa kanyang dinaluhan na prestihiyosong fashion week.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


Isang buwan na rin ang nakalilipas simula ng lumipad patungong New York si LJ kasama ang kanyang mga anak na sina Aki at Summer, at ang dahilan nga nito ay ang kanyang paglayo mula sa isyu ng kanilang naging hiw@layan ng kanyang dating kasintahan na si Paolo Contis.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Magmula sa viral photos na ito ni LJ sa NYFW, ay dito na rin makikita ang sunod-sunod na pagbabahagi ng aktres pagdating sa kanyang balik alindog program, na siyang makikitang nakasama pa niya sa pagwo-workout si Summer.




Credit: @lj_reyes on Instagram

Sa katunayan nito ay tila hindi lamang sila magka workout buddy kundi ay partners rin pagdating sa pagpo-posing. Mula sa mga litratong ibinahagi ni LJ sa kanyang social media, ay makikita ang napaka-cute na si Summer na todo ang pagpo-pose at pagpapa-cute sa harapan ng camera.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Kwento pa ng aktres ay sinabihan lamang si Summer na mag pose at kalaunan ay hindi nga niya inaasahan na marami pala itong baon na cuteness na talaga namang nagpahanga sa mga netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


Aniya, “Shine bright as Summer my love! Di ko sya kinaya! Sabi lang sa kanya pose tapos tuloy tuloy na sya.”

Tila “like mother, like daughter” kung mailalarawan ang mag-ina lalo pa sa murang edad ni Summer, ay marunong na agad itong magpa-cute at umarte bilang isang tunay na modelo sa mga litratong nito.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Patunay ngang hindi lamang always ready to action pagdating sa aktingan si Summer kundi always ready din pagdating sa pagpo-posing.

Komento ng kanilang mga fans, “Cutie Summer 😍😍😍😍😍😍😍😍


Credit: @lj_reyes on Instagram

“Ang cute ni summer mini lj reyes rin ang lucky nio po my 2 cute chikiting na kayo, ❤❤❤❤😍😍😍😍

“Such a kyutipatotie! 💖💖💖




Credit: @lj_reyes on Instagram

“Ooooh so adorable! Ang galing galing na magpose and super mini-me mo LJ 🥰💕🥰

Maliban kay Summer ay mayroon ring isa pang anak si LJ sa dating kasintahan nito na si Paulo Avelino, ang kanyang panganay na si Aki.

The post Cute na cute na bunsong anak ni LJ Reyes na si Summer, nagpakitang gilas sa pagpo-posing appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments