Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia, nagbigay aliw at tuwa sa mga netizens dahil sa pagkahilig nito sa ‘bunny things’

Tunay ngang siya pa rin ang nag-iisang “Diyosa” ng kagandahan at kas3ksihan, dahil kahit isa ng ganap na mommy ang aktres at TV host na si Anne Curtis, ay patuloy pa rin niyang napapanatili ang pagkakaroon ng isang maganda at s3ksing pangangatawan.


Credit: Anne Curtis instagram

Kung iisipin ay tila parang kahapon lamang nangyari ang lahat matapos ang naging anunsyo ni Anne at asawang vlogger-chef na si Erwan Heussaff ang pagdating ng kanilang munting prinsesa.




Credit: Anne Curtis instagram

At sa pagdating nga ni Baby Dahlia Amelie sa buhay nila mag-asawa, ay makikitang talaga namang kinareer ng aktres ang pagiging full-time mom sa kanyang baby girl. Mula pa man noon ay wala nang kinuhang yaya sina Anne para mag-aalaga at magbabantay kay Baby Dahlia, dahil para umano sa aktres ay gusto niyang maranasan ang kaakibat na saya, paghihirap at ligaya na nararanasan ng bawat mommies katulad niya.


Credit: Anne Curtis instagram

Ganunpaman, bilang isang ina at public figure ay sinisigurado ni Anne na laging updated ang kanilang mga fans pagdating sa mga kaganapan ng kanilang buhay pamilya, lalong-lalo na at pagdating rin sa pagbabahagi ng mga cute at adorable photos ng kanyang anak.


Credit: Anne Curtis instagram

Tila mapa video man o pictures ay talaga namang hindi maitatanggi ang taglay na kakyutan ni Baby Dahlia, at sa murang edad pa lamang nito ay hindi na matatawaran ang kasiyahan na hatid nito sa kanilang mga fans.


Credit: Anne Curtis instagram

Ang bawat isa sa atin ay dumaan sa pagiging bata at kung babalikan ang mga kaganapan noong ating kabataan, paniguradong hindi maaaring mawala sa kwentuhan ng magkakaibigan ang mga panahong nahilig ang bawat isa sa mga laruan at stuffed toys.

Tulad na lamang ng pagkahilig ng mga bata sa mga laruan, tila ganyan din naman mailalarawan ang napakacute na si Dahlia, na kung saan ay makikita ang pagkahilig nito sa mga “bunny things”.




Credit: Anne Curtis instagram

Sa katunayan, ay kamakailan lang nang nagbahagi si Anne ng mga larawan sa kanyang Instagram account, na kung saan ay makikita ang mag-ina na magkahawak ang kanilang mga kamay.

At sa litrato nilang ito ay mapapansin na sa kanang kamay ni Dahlia, ay nakahawak ito sa kanyang bunny stuffed toy kalakip ang suot-suot nito na cute bunny hat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Talaga nga namang kahit sino ay matutuwa at panggigilan ang mala inosenteng mukha ni Dahlia, isama pa ang larawan nito habang kunwaring pinapakain ang kanyang bunny stuffed toy.

Dahil sa litrato na ito nilang mag-ina na magkasama at ang cute na mga litrato ni Dahlia, ay hindi kataka-taka na umabot na nga sa 559K ang nag like at 757 comments ang nakuhang engagement sa naturang post na ito nina Anne.

The post Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia, nagbigay aliw at tuwa sa mga netizens dahil sa pagkahilig nito sa ‘bunny things’ appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments