Megastar Sharon Cuneta, napabilib ang kanyang mga tagahanga sa kanyang naging mirror selfie

Sa edad na 55 ng singer-actress at tinaguriang Mega Star sa industriya ng showbiz na si Sharon Cuneta, tila ba ang pamamayagpag ng kanyang karera mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa ring kinikilala saang mang panig ng bansa.


Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Sa ilang dekadang inilaan ni Sharon upang maipamalas ang kanyang natatanging talento bilang isang mahusay na artista at singer, ay hindi kataka-taka na ganun na lamang ang suporta at pagmamahal na kanyang natatanggap sa mga netizens.

At mula pa man noon ay hindi lamang nakasubaybay ang publiko sa kanyang mga pelikula, awitin, at teleserye, kundi pati na rin sa mga kaganapan sa kanyang buhay ay hindi maaaring hindi updated ang ilan sa mga ito.




Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Samantala, sa kabila ng natamong kasikatan ni Sharon ay hindi lamang siya kinilala bilang mahusay na aktres, kundi isa ring mapagmahal na ina at asawa sa kanyang pamilya.

Tila kung paano nga ingatan ni Mega Star ang kanyang pamilya, ay ganoon na lang rin ang kanyang pag-iingat pagdating sa pag-aalaga ng kanyang pangangatawan.


Dahil kung ang pag-uusapan lang naman ay angking kagandahan at magandang hubog ng pangangatawan, tila hindi magpapahuli sa listahan si Sharon na sa kabila ng kanyang edad at naging hubog ng pangangatawan noon, ay nagawa pa rin niyang mabago at mapangalagaan ang katawan at sarili ngayon.

Sa larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ay makikita ang kanyang naging mirror selfie, na kung saan ay mapapansing nakasuot ito ng pajama at pink na shirt na may naka print na “Just God.”.

At kalakip nga ng kanyang larawan ay kapansin-pansin ang naging pagbabago sa katawan ngayon ng aktres, na tila ayon pa sa mga naging komento ng kanyang mga fans ay talagang “grabe ang s3xy” ngayon ni Sharon.


Bukod pa diyan ay isa ring litrato ang labis na nagpamangha sa mga netizens matapos ibahagi nito ang kanyang mga larawan na nakasuot ng swimsuit, na talagang hindi maitatangging lumitaw ang pagkas3xy mom ni Sharon.

Dahil dito ay samu’t-saring komento at paghanga ang kanyang natanggap sa publiko, at ang ilan ay hindi pa makapaniwala sa taglay na kas3ksihan ngayon ng aktres.




Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

“Payaaaatttt!!!!😍😍😍👏👏👏 I am inspired…”

“Grabe s3xy ni @reallysharoncuneta oh!!! Bongga!!! Kaka inspire!!!”

“Wow!😮 s3xy ma!grabe naman po. 😍

The post Megastar Sharon Cuneta, napabilib ang kanyang mga tagahanga sa kanyang naging mirror selfie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments