Alex Gonzaga, nagbahagi ng masasayang litrato at taos-pusong mensahe sa ika-5 na kaarawan ng kanyang pamangkin na si Seve

Kung gaano kabilis ang paglipas ng bawat araw at petsa sa kalendaryo, tila kasing bilis rin naman nito ang paglipas ng panahon. Sa katunayan ang petsa na September 30, ay isa na nga sa mga maituturing na “Best Day of the Year” para sa Gonzaga at Soriano Family.


Credit: @cathygonzaga on Instagram

Dahil ang espesyal na araw lang naman na ito ay siyang araw ng kapanganakan ng isa sa mga “source of joy” ng pamilya nina Alex Gonzaga, ang pamangkin nito na itinuturing nya bilang “My Chambeh” na si Severiano Elliott o mas kilala sa palayaw nito na Seve.


Credit: @cathygonzaga on Instagram

Ang 5-year-old na si Seve ay anak ng kapatid ni Alex na isa ring aktres at TV host na si Toni Gonzaga, sa asawa nito na si Paul Soriano.




Credit: @cathygonzaga on Instagram

Tila ang taong 2016 na nga, ang isa sa mga hindi malilimutang kaganapan sa kanilang buhay, dahil sa pagdating ni Seve ay dito na mas naging makulay at mas pinatibay pa ang kanilang pagsasama bilang isang buong pamilya.

At dahil ito nga ang unang anak nina Toni at Direk Paul, isama pa na siya rin ang kauna-unahang apo nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, ay paniguradong umaapaw sa atensyon at pagmamahal ang natatanggap ni Seve mula sa kanila.


Credit: @cathygonzaga on Instagram

Kaya naman ngayon sa kanyang kaarawan, ay tila mas lalong naging espesyal ang selebrasyon dahil sa mismong araw ng kanyang birthday, ay ipinagdiwang niya ito sa isang racetrack field na binista at dinaluhan ng kanilang pamilya.

At dahil kaarawan ng pamangkin ni Alex, ay isang sweet birthday message naman ang ibinahagi nito, kalakip ang kanilang mga litrato na magkakasamang nag-enjoy sa naturang racetrack.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Mensahe ni Alex sa kanyang “My Chambeh”, ”Happy birthday Seve. Thank you for being the family’s source of joy! We love you so much! Tata will always be here for you if u want a cooler mom.”




Credit: @cathygonzaga on Instagram

Sa espesyal na kaarawan ngayon ni Seve, marami naman sa mga kaibigan at katrabaho nina Alex ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa kanyang pamangkin.

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang birthday greetings ay sina, Billy Crawford, Fifth Solomon, at Melai Cantiveros-Francisco.

The post Alex Gonzaga, nagbahagi ng masasayang litrato at taos-pusong mensahe sa ika-5 na kaarawan ng kanyang pamangkin na si Seve appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments