Yassi Pressman, ibinahagi ang masayang bakasyon sa Siargao kasabay ng muling pagkikita nila ng kanyang kaibigan na si Andi Eigenmann

Katulad ng ilan sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz na nahumaling sa ganda ng mga isla dito sa Pilipinas, ang aktres at TV host na si Yassi Pressman ay tila ganoon rin ang naramdaman matapos ibahagi ang kanyang masayang pagbabakasyon sa Isla ng Siargao.

Hindi lamang binabalik-balikan ng mga turista ang Siargao sa taglay na ganda at katahimikan ng lugar, kundi pati na rin sa mga beach activities tulad na lamang ang surfing ay isa rin sa mga ipinagmamalaki sa islang ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Kaya naman sa pagbisita ni Yassi, ay tila makikita ang labis na pag-eenjoy ng aktres, at talagang sinulit ang mga panahon ng kanyang pananatili sa magandang lugar na ito ng Siargao.

At kalakip ng kanyang masayang beach vacation, ay sinubukan rin ng aktres ang pagsu-surf camp kasama ang ilan sa mga local instructors, na makikita sa litratong ibinahagi nito sa kanyang IG account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Makikita sa naturang larawan ang nakatayo na si Yassi sa surfboard habang nagsusurfing sa gitna ng malalakas na alon.

Aniya, “Just ride the wavvvveeeee. Day 1 of our Surf Camp!! With @mangcarding & @party_sleep”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Dagdag pa niya, “For my first day I bought merch na galing sa “Pilipinas Surfing” ~ sa pagbili at pagsuporta natin sa merch nila, a portion goes straight to our athletes. Nahiya man ako suotin dahil akala ko talaga di ako makakatayo HAHA kinuha ko pa rin para kahit papano matulungan natin sila while having fun with this new experience!!!!”

Tila ang pagbisita ng aktres sa isla ay mas lalo pang naging espesyal, matapos nito ibahagi ang larawan kasama ang dating aktres na si Andi Eigenmann, na kasalukuyang naninirahan rin ngayon sa Siargao kasama ang kanyang mga pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Sa pagbisita ng aktres sa tahanan ng celebrity mom, makikita ang masasayang ngiti sa mukha nina Andi at Yassi, habang nakasama rin sa naturang litrato ang anak nito na sina Lilo, Baby Koa at panganay na si Ellie.

Sa kanyang inilagay na caption na, “I love when you see some of your real friends and years go by but everything just feels like yesterday. Don’t we look like we’re all sisters lang?? LOL. Wuvyu & your beautiful fam @andieigengirl”

Tila ang pagkahumaling sa ganda ng isla, ay tunay ngang nakapagbibigay ng kakaibang saya at ligaya sa mga taong katulad ni Yassi na ang pagbisita sa Siargao ang nagsilbing kanyang “new love”.

The post Yassi Pressman, ibinahagi ang masayang bakasyon sa Siargao kasabay ng muling pagkikita nila ng kanyang kaibigan na si Andi Eigenmann appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments