Kristine Hermosa, ibinahagi ang masayang pagtatagpo ng kanyang anak na si Baby Vittorio at mother-in-law na si Dina Bonnevie.

Sa unang pagkakataon ay nagtagpo na rin sa wakas ang mag-Lola, na sina Baby Vittorio at beteranang aktres na si Dina Bonnevie.

Makikita sa larawang ibinahagi ng aktres na si Kristine Hermosa sa kanyang Instagram account, ang masayang pagtatagpo ng kanyang mother-in-law at ang bunsong anak nito. Saad ni Kristine sa kanyang inilagay na caption na, “Yaaay… finally got to see our Mama Di! We missed you so much…”

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Tila nga ba dahil sa kasalukuyang nararanasang p@ndemya sa bansa, ay ito pa lamang ang unang pagkakataon na mami-meet ni Dina, ang kanyang pogi at bunsong apo sa kanyang anak na isa ring mahusay na aktor na si Oyo Boy Sotto.

Sa litrato ay talaga namang makikita ang masayang pagkikita ng mag-Lola, na kung saan ay mapapansin rin ang napaka-cute na si Baby Vittorio na nakatitig sa kanyang Lola habang siya ay karga-karga sa mga bisig nito.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Kalakip rin ng kanilang larawan, ay makikita na hindi lamang mag-isang dumalaw si Dina sa bahay ng mag-asawang Kristine at Oyo Boy, dahil nakasama rin nila at masayang naki-bonding ang isa pang anak ni Dina na si Danica Sotto.

Sa muling pagkikita ng tatlo, ay marami naman sa mga netizens ang hindi napigilang mamangha sa taglay na kagandahan nina Kristine, Dina at Danica na magkakasama sa naturang larawan.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Tunay ngang sa paglipas ng panahon ang kanilang angking kagandahan ay hindi kumukupas at kahit sila ay may kani-kaniya ng pamilya, at mga anak ay hindi pa rin matatawaran ang taglay nilang pagka mala diyosa sa ganda.

Ilan sa mga naging komento ng kanilang mga fans, “Grabi sobrang ganda ni kristine khit walang make up or filter ung cam lutang ang ganda🥰

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

“Eh un lola mukhang mommy lang nun baby. Un mommy at tita nun baby mukhang kapatid lang nya. Gandang lahi”

“parang dalaga lang.😍😍

“Npakaganda mo padin po ms tine…..😍😍😍kayong 3 po…pretty ladies.”

The post Kristine Hermosa, ibinahagi ang masayang pagtatagpo ng kanyang anak na si Baby Vittorio at mother-in-law na si Dina Bonnevie. appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments