Magkaibigang celebrity na sina Ruby Rodriguez at Ice Sequerra, ibinahagi ang kanilang masayang pagkikita sa Amerika

Ilang buwan matapos na tuluyang iwanan ang mundo ng showbiz, ngayon ay masayang namumuhay ang dating TV host at aktres na si Ruby Rodriguez kasama ang kanyang pamilya sa Amerika.

Ang pagiging isang mahusay na artista at host tulad ni Ruby, ang isa sa kanyang mga naging puhunan mula pa man noon ng pasukin nito ang kanyang propesiyon at trabaho bilang isang mahusay at kinikilalang aktres sa showbiz.


Credit: @rodriguezruby on Instagram

Sa loob ng 31 taon ng simulang magtrabaho si Ruby sa GMA network ay dito nakitaan ang aktres ng kakaibang abilidad, pagdating sa pagiging kwelang host sa noontime variety show na “Eat Bulaga”, na kung saan ay dito nakabuo ng isang pamilya ang aktres kasama ang ilan sa mga kilalang personalidad tulad na lamang nina Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Maine Mendoza, Alden Richards at marami pang iba.

Kaya naman ng magdesisyon ito na lumipad at manirahan sa Amerika kasama ang pamilya, ay dito na rin nagbukas ang mga oportunidad para sa kanya at kabilang na nga rito ang kasalukuyan niyang trabaho sa Los Angeles, California.


Credit: @iceseguerra on Instagram

Tila napakabilis nga ang paglipas ng panahon, ngunit pinili man manatili malapit sa kanyang pamilya, hindi maitatanggi na nagkaroon na rin ng pamilya si Ruby bago pa lamang lisanin ang mundo ng showbiz.

At isa na nga rito ay ang pagiging mabuting magkaibigan nina Ruby at singer-songwriter na si Ice Seguerra. Nagsimulang lumalim ang kanilang pagkakaibigan ng parehas na mapabilang ang dalawa sa sitcom na “Okay ka, Fairy Ko!” na ginanap noong taong 1987.




Credit: @rodriguezruby on Instagram

At sa kabila ng ilang taon na hindi nagkasama ang dalawa, sa wakas ay masayang nagkita rin ang magkaibigan sa Amerika, na siyang parehas na ibinahagi ng dalawa sa kanilang magkahiwalay na Instagram post.

Naunang nagbahagi si Ice ng kanilang larawan na magkasama at dito ay makikita ang mahigpit na pag-akbay ni Ruby sa singer, kasabay ang hindi matawarang mga ngiti nilang dalawa na siyang makikita sa kanilang masasayang mukha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


Sa caption na inilagay ni Ice, “Sooooo happy to see you again!!!! Loooove you @rodriguezruby !!!”

Samantala, kaparehas rin ng kanilang naging litrato ang siyang ibinahagi ni Ruby sa kanyang Instagram na may caption na, “Sooooo happy to see you again!!!! Loooove you @rodriguezruby !!!…I’m happier than you think! Love the gummies too.”

Sa kanilang muling pagkikita sa Amerika, ay dito napatunayan na kahit gaano man kalayo ang kanilang pagitan sa isa’t-isa, may mga bagay pa rin ang hindi nagbabago at ito nga ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan.

The post Magkaibigang celebrity na sina Ruby Rodriguez at Ice Sequerra, ibinahagi ang kanilang masayang pagkikita sa Amerika appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments