Andi Eigenmann, ipinasilip ang masayang ‘first skating experience’ ng kanyang 8-month-old baby boy na si Koa

Noong Ika-17 ng Enero ngayong taon, tila isa na nga ang araw na ito sa mga hindi malilimutang kaganapan sa buhay ngayon ng aktres na si Andi Eigenmann.

Dahil noong araw lang naman na iyon naganap ang pagsilang ni Andi sa kanilang “Little Island boy”, na pinangalanan bilang si Koa. Si Baby Koa ay ang pangalawang anak ng aktres, sa kanyang soon-to-be husband na si Philmar Alipayo.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Sa pagdating ng bagong miyembro sa buhay ng Happy Islanders, ay tila dito naman mas lalong naging bukas si Andi sa bawat kaganapan sa kanilang buhay pamilya ngayon.

At bilang isang ina sa kanyang dalawa pang mga anak na sina Ellie at Lilo, katulad ng hangarin ng bawat mommies ay hangad rin ni Andi na maibigay sa kanyang mga anak ang magandang buhay at masuportahan ang mga ito sa mga importanteng kaganapan sa kanilang buhay.




Credit: @andieigengirl on Instagram

Tulad na lamang ang pagdo-document nito sa bawat milestone ng kanyang mga anak, na siyang isa sa mga ibinahagi nito ay ang “first skating experience” ng kanyang 8-month-old na si Baby Koa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Kung kilala si Andi bilang isang mahusay na aktres at hands-on mom sa kanyang mga anak, tila ganoon rin naman mailalarawan si Philmar na hindi lamang ito katuwang ng aktres sa mga gawaing bahay, kundi pati na rin sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Sa katunayan, ay nagbahagi ng mga larawan si Andi sa kanyang Instagram, na kung saan ay makikita ang gwapong si Baby Koa na masayang nakatayo skateboard, at sa likurang bahagi naman nito ay matatanaw ang pag-alalay ng kanyang Papa Philmar.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na si Philmar ay nakitaan ng husay at galing sa pagbabalanse ng kanyang katawan sa ibabaw ng surfboard, kaya hindi kataka-taka na nagwagi ito at nakuha ang karangalan bilang Filipino Surfing Champion noong taong 2017.

At dahil sanay na sa ganitong klaseng isport, ay bahagi na ng kanyang pagiging isang ama na maituro sa kanyang mga anak at maiparanas sa mga ito ang ilan sa kanyang mga pinagkakaabalahan ngayon sa Isla ng Siargao.




Credit: @andieigengirl on Instagram

Kaya naman ang cute at gwapong si Baby Koa ay hindi inatrasan ang kanyang Papa Philmar, at magiliw na nakisabay sa pag-i-skateboard kasama nito.

Dahil dito ay marami sa kanilang mga tagahanga ang napabilib, lalo na sa katapangan na ipinakita ni Baby Koa sa kauna-unahang beses na pagsubok nito sa skateboarding.


Credit: @andieigengirl on Instagram

“Oh my soo cute!❤❤❤

“Yay! Koa baby skater! 😍🙌

The post Andi Eigenmann, ipinasilip ang masayang ‘first skating experience’ ng kanyang 8-month-old baby boy na si Koa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments