Jhong Hilario, ibinahagi ang masasaya at nakakatuwang bonding moments nila ng kanyang 6 months old daughter na si Baby Sarina

Tila nga ba napakagandang biyaya sa ating buhay ang pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya.


Credit: @jhonghilario instagram

Kaliwa’t kanan man ang naghihintay na responsibiliad at obligasyon na kinakailangang gampanan, ay hindi naman nito matatawaran ang kasiyahan at ligayang naibibigay ng mga anak sa kanilang mga magulang.


Credit: @jhonghilario instagram

Kung gaano kabilis ang bawat paglipas ng mga segundo sa loob ng isang minuto, tila kasing bilis rin nito ang paglipas ng panahon. Dahil ang munting prinsesa ng Sample King na si Jhong Hilario, ay nagdiwang na ng kanyang ika-6 months nito lamang September 27, 2021.




Credit: @jhonghilario instagram

Tulad ng ibang mga first time dad ay talagang walang mapagsidlan ang kagalakan ni Jhong, sa tuwing nakakasama at nakakabonding ang kanyang unica hija. Kaya naman sa simpleng pagbabonding nila mag-ama, ay madalas rin ang pagbabahagi ng aktor ng mga larawan at videos sa social media patungkol sa kanyang cute na anak na si Baby Sarina.


Credit: @jhonghilario instagram

At hindi maikakaila na sa bawat post na ito ni Jhong, ay siya rin namang pag-ulan ng mga komento at paghanga na kanilang natatanggap mula sa kanilang mga tagahanga. Tunay ngang hindi lamang sa galing sa sayawan at husay sa aktingan ang magpapabilib sayo, dahil pati na rin ang pagiging hands-on dad ng aktor ay nagsilbi ring inspirasyon sa karamihan ngayon.


Credit: @jhonghilario instagram

Isa na nga rito ang madalas na pagba-bonding ng mag-ama, na kung saan ay kahit 6 months old pa lamang si Baby Sarina ay tinuturuan na ni Jhong ang kanyang anak na magbasa.
At kahit hindi pa man nakakaintindi ang cute na si Sarina, ay makikita naman na talagang focus ito sa binabasang libro sa kanya ng kanyang Daddy Jhong.


Credit: @jhonghilario instagram

Samantala, hindi lamang “reading time” ang nagpapasaya sa mag-ama, dahil pati na rin sa pagja-jamming at pagkanta ay talaga namang makikita na nagkakasundo ang dalawa.


Credit: @jhonghilario instagram

Dahil sa kanilang cute na bonding moments mag-ama, marami naman sa mga netizens ang labis na natuwa at nagbigay ng kanilang komento sa naging post na ito ni Jhong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sample King 👑/ ALAKDAN 🦂 🇵🇭 (@jhonghilario)

“Wow galing nman Sarina 👏❤

😍😍😍 Papa’s girl bebe Sari. 😍❤❤❤

“Ang cute nman ng little angel 😍

The post Jhong Hilario, ibinahagi ang masasaya at nakakatuwang bonding moments nila ng kanyang 6 months old daughter na si Baby Sarina appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments