Yamyam Gucong, inaming hindi naging madali ang pagpapatayo ng sariling bahay sa gitna ng pandemya

Sa naging pagsusumikap ng dating Pinoy Big Brother 2019 big winner na si Yamyam Gucong, ngayon ay unti-unti na nga niyang naaabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay lalo na para sa kanyang pinakamamahal na pamilya.

Dahil sa kanyang katatagan at kasipagan sa buhay ay dito na unti-unting dumarating ang mga biyaya, na kanyang natatanggap simula ng siya ay manalo pa lamang sa naturang kompetisyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


At dahil likas sa kanya ang pagiging madasalin at madiskarte sa buhay, ay hindi na nakapagtataka na nakapagpundar na ng sariling lupain at bagong kotse si Yamyam para sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


Sa katunayan, ang lupain na kanyang nabili ay ang lupain na kanilang sinasakahan noon, na siyang pagmamay-ari na ng kanilang pamilya ngayon.

Ang lupain na ito ay nagsilbing regalo ni Yamyam para sa kanyang mga magulang, na mula pa man noon ay nagsumikap na sa pagtatrabaho sa bukid upang maibigay ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


Kasabay ng bagong kotse na binili nito, ay ang pagbubukas rin ng kanyang sariling negosyo na bakeshop, na inilaan rin niya para sa kanila.

Tunay ngang hindi matatawaran ang labis na pagmamahal ni Yamyam sa kanyang pamilya, dahil sa kabila ng mga naipundar na lupain, bagong kotse at negosyo, ay ngayon isa namang bahay ang kanyang ipinapagawa para sa kanila.

Ngunit tila hindi pala ganoon kadali ang pagpapatayo ni Yamyam ng bahay sa gitna ng kr!sis na nararanasan ngayon sa bansa, na ayon sa kanya, “Totoo pala talaga sabi nila ang h!rap magpatayo ng bahay sa gitna ng pandemya,”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


Sa larawang ibinahagi nito sa kanyang Instagram account, ay makikita si Yamyam na nakatayo habang nasa likurang bahagi nito ang under construction ng kanilang bahay.

Dagdag pa niya sa inilagay na caption, “lasap na lasap ko ang pressure at budget”.


Credit: @gucongyamyam on Instagram

Hindi man naging madali at kasalukuyang iniinda ang hirap na nararanasan sa gitna ng p@ndemya, naniniwala pa rin si Yamyam na ito ay kaniyang malalagpasan sa tulong ng kanyang pagtitiwala at malalim na pananampalataya sa Panginoon.

“God is with us” ani nito.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang mensahe at nag-iwan ng mga encouraging message para sa kanya.

The post Yamyam Gucong, inaming hindi naging madali ang pagpapatayo ng sariling bahay sa gitna ng pandemya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments