Anak nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, nagmala ‘rock star’ sa kanyang video habang nagpa-piano

Kung pag-uusapan lang rin naman ay nag-uumapaw na kakyutan ay kahit na sino tiyak na ito ay panggigilan, at paniguradong ang eksenang ito ay swak na swak para sa mood mo.


Credit: @coleen on Instagram

Dahil ang napaka-cute na si Baby Amari ay muli namang pinatawa at pinasaya ang kanyang mga taga hanga, sa panibagong video na ibinahagi ng kanyang Mommy na si Coleen Garcia na isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz.


Credit: @coleen on Instagram

Tunay ngang masilayan pa lamang ang malalambot at cute niyang mga pisngi, at ang mga munting halakhak niyang nakakahawang pagmasdan ay sino ba naman ang hindi makukumpleto ang araw kapag siya ang iyong nasilayan.




Credit: @coleen on Instagram

Mula sa video na ibinahagi ni Coleen sa kanyang Instagram account, ay makikita ang napaka-cute na si Baby Amari, kasama ang kanyang Mommy Coleen sa loob ng studio room ni Billy Crawford, na isang singer, TV host, asawa ng aktres at ama ni Baby Amari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Sa video ay makikita si Coleen na nasa likuran ng kanyang anak, habang ito ay makikita namang tila “feel na feel” ang pagpapatugtog sa piano na nasa harapan nito.

Sa munting eksenang ito ay talaga namang mapapatawa ang kahit na sino, dahil habang tinitipa ni Baby Amari ang kanyang mga munting daliri sa keyboard, ay mapapansin na sinasabayan niya ito ng paggalaw ng kanyang ulo sa bawat tunog na inilalabas nito.


Credit: @coleen on Instagram

Tila sa murang edad pa lamang ni Amari ay namana na nya agad ang pagkahilig sa musika tulad ng kanyang Daddy Billy.

Dahil sa nakakatawang video niyang ito, ay marami naman sa mga netizens ang natuwa at hindi napigilan ang kanilang pagtawa sa ipinakita ni Baby Amari.




Credit: @coleen on Instagram

Ayon pa sa kanila ay magiging “future pianist” at “future rock star” raw ito pagdating ng panahon.

“Hahahahaha nag head bang pa😂

“Hahahaha ang cute 😍😍😍

The post Anak nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, nagmala ‘rock star’ sa kanyang video habang nagpa-piano appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments