‘You bring light to our lives’, Aktres na si Ryza Cenon, nag-iwan ng nakakaantig na mensahe para sa ika-11th month celebration ng kanyang anak na si Baby Night

Totoo nga ang balita na ang mga cute na babies sa ating tahanan ay ang nagsisilbing “bundle of joy” ng ating pamilya, at nagbibigay kulay at sigla lalong-lalo na sa pagsasama ng bawat mag-asawa.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Nakakatuwang isipin na katulad ng maraming mommies ay malaki rin ang naging pagbabago sa buhay ngayon ng aktres na si Ryza Cenon, magmula ng dumating kanilang panganay na anak ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz na si Baby Night.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa loob ng masayang pagsasama nina Ryza at Miguel ay napuno ito ng saya at sigla lalo na sa pagdating ng kanilang chinito at gwapong anak na si Baby Night.

Matatandaang isinilang ng aktres ang kanyang anak noong Oktubre 31, 2020, sa St. Luke’s Medical Center at sa mabilis na paglipas ng panahon ay sino ang mag-aakala na ang napakacute na si Baby Night ay nagdiwang na ng kanyang ika-11 na buwang kaarawan.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa hatid na sigla at kaligayahan ni Baby Night sa kanyang mga magulang, ay hindi rin maikukubli ang pagiging proud parents nina Ryza at Miguel sa bawat achievement at milestone ng kanilang anak.

Sa katunayan, ay madalas na magbahagi ang dalawa patungkol sa mga cute at adorable photos ng kanilang anak sa social media, kaya naman ang kanilang mga taga hanga ay todo ang suporta at nakaabang sa mga litrato at videos nito.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Tulad ng ibang celebrity mom, si Ryza ay todo abala rin lalo na pagdating sa monthly celebration ng kanyang baby boy, kaya makikita na sa bawat buwan na lumilipas ay iba’t-ibang paraan o style ang kanyang naiisip upang maging espesyal ang mga litrato ni Baby Night.

Kung noong ika-9 months ni Baby Night ay nakasuot ito ng pang astronaut costume, at sa ika-10 months nito ay nagmala superman naman, ngayong ika-11 buwang kaarawan nito ay isang space ranger themed ang siyang inihanda ng aktres para sa photoshoot ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Sa mga litratong ibinahagi nina Ryza at Miguel sa kanilang magkahiwalay na Instagram account, makikita ang napakacute na si Baby Night na nagmala Buzz Lightyear sa kanyang naging kasuotan, na siyang hango mula sa American animated comedy film na Toy Story.

Sa litrato ay makikita ang masasayang ngiti ni Baby Night na tila enjoy na enjoy sa kanyang naging costume, kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan at kalaro na stuffed toys.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa selebrasyon na ito ni Baby Night, ay isang mensahe naman ang ipinaabot ni Ryza para sa kanyang anak.

Aniya, “You bring light to our lives Buzz Lightyear! Happy 11 months my dear. 1 month nalang 1 year old ka na!! Parang kailan lang nasa tummy ka ni mommy. We love you! @iamnightcruz”

The post ‘You bring light to our lives’, Aktres na si Ryza Cenon, nag-iwan ng nakakaantig na mensahe para sa ika-11th month celebration ng kanyang anak na si Baby Night appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments