Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelie, isa ng “Little Painter” matapos ipamalas ang kanyang talento sa pagpipinta.

Marahil isa na nga ang napakacute na si Baby Dahlia sa mga kinagigiliwang celebrity baby ngayon sa showbiz. At dahil kilala at sikat ang kanyang mga magulang na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff, ay tila ganoon na lang rin karami ang mga sumusuporta at nagmamahal sa kanyang murang edad pa lamang.

Credit: @dahliaamelieee

Kaya naman tulad mo at tulad nila, ay marami talaga ang nakaabang sa kanyang mga larawan at video, na ibinabahagi ng kanyang mga magulang sa social media.

Credit: @dahliaamelieee

At kahit sa murang edad pa lamang nto, ay hindi lamang makikita ang kanyang angking ganda na namana sa kanyang mga magulang, kundi pati na rin sa taglay nyang talento, katalinuhan, at kabibohan na talagang naghatid ng good vibes sa kanyang mga taga hanga.

Credit: @dahliaamelieee

Sa katunayan, ay minsan namang nang ibinahagi noon ni Anne sa kanyang Instagram ang pagkahilig sa mga libro ng kanyang anak, at ang pagbabasa ang kanilang nagsilbing bonding moments mag-ina.

Credit: @dahliaamelieee

Bukod pa diyan, ay ipinamalas rin ni Baby Dahlia ang kanyang talento at talino pagdating naman sa pagkilala sa bawat pangalan ng mga prutas na ipinapakita sa kanya nina Anne at Erwan.

Ngunit tila ngayon, ay isa na namang talento ang siyang ipinamalas ng napaka cute na si Baby Dahlia sa video na ibinahagi ng kanyang Mommy Anne sa Instagram.

Credit: @dahliaamelieee

Makikita sa IG story ni Anne ang video ng kanyang anak, na kung saan habang sila ay nasa labas ng kanilang bahay, ay mapapansin si Baby Dahlia na punong-puno ng pintura ang kanyang damit at malilit na kamay na tila ba marunong na rin ito sa pagpipinta.

Credit: @dahliaamelieee

 

Kalakip ng video niyang ito ay ang nakakatawang inilagay na caption ni Anne na, “Meet Dahlia, soon to be smurf”

Tila pagdating nga sa aspeto ng pagpipinta, ay laging katuwang ni Dahlia ang kanyang Mommy Anne at Daddy Erwan sa pagtuturo sa kanya, na siyang nagsilbi rin nilang masayang bonding moments na magkakasama.

Talaga namang ang kakyutan at kabibohan ni Baby Dahlia ang nagbigay good vibes sa marami, lalo na ang mga talentong ipinapamalas nito sa kanyang murang edad pa lamang.

The post Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelie, isa ng “Little Painter” matapos ipamalas ang kanyang talento sa pagpipinta. appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments