Komedyanteng si Jimmy Santos, ibinahagi ang ginawang pagsa-sideline sa palengke

Nakilala ang komedyanteng si Jaime Santos o mas kilala bilang si ‘Jimmy’, sa noontime show na Eat Bulaga na kung saan siya ay kabilang sa mga naging host ng naturang programa, at nakasama pa ang mga bigating personalidad tulad na lamang nina Vic Sotto at Joey De Leon.

Ngunit bago pa man pasukin ang showbiz, si Jimmy ay naging isa ring professional basketball player noon at hinangaan sa kanyang ipinakitang husay at galing sa paglalaro sa loob ng court.




Credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Ngayong 69-anyos na ang komedyante, nasaaan at ano na nga ba ang pinagkaka-abalahan ngayon ni Jimmy matapos hindi na maging aktibo sa telebisyon at pelikula?

Tila’y ang pagba-vlog ang isa na sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Jimmy, na halos mahigit kumulang na sa 200,000 subscribers ang sumusuporta sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa YT channel niya na Jimmy Saints.

“Ang pagba-vlog, hindi naman basta ganu’n lang eh. Kailangan meron ding sense na kailangan na kapulutan ng aral. Alam mo naman ang kaalaman, walang kat@pusan,”


Credit: Jimmy Saints Youtube Channel

At magmula nga sa pagiging professional basketball player, ay isa na syang vlogger at kamakailan lang ay kanyang isinama ang mga fans sa panibagong vlog nito at ipinakita ang ginawang pagsa-sideline nito sa palengke.

Tampok sa mga videos ni Jimmy ang kanyang kasalukuyang buhay sa probinsya at ang ilan sa mga magagandang pasyalan na matatagpuan sa kanilang lugar sa Pampanga.


Credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Sa kanyang panibagong vlog, ay tinungo ng komedyante ang mga viewers sa Pampang public market, sa Angeles City, Pampanga at nakihalubilo sa mga taong naghahanap-buhay roon.

Makikitang kinamusta ni Jimmy ang mga taong naroon at kapansin-pansing nakikipagbiruan pa ito, habang siya ay tumulong rin sa paghih!wa ng karne sa palengke.


Credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Tila’y game na game si Jimmy sa pagtulong sa mga vendors na naroon at dahil sa kanyang ipinakitang pagiging natural sa kabila ng naging kasikatan noon sa showbiz, ay marami naman ang natuwa at napabilib sa komedyante.



Marahil siya man ay naging sikat noong kanyang kapanahunan, hindi naman maikakaila ang pagiging simple at mapagpakumbaba ni Jimmy sa kanyang narating at hindi kailanman ipinagmayabang ang kasikatang natamo sa kanyang buhay.

Nagsimulang lumabas sa pelikula noon si Jimmy kasama ang batiking aktor na si Fernando Poe Jr. noong taong 1970, at mas lalong kinilala sa kanyang galing sa pagpapatawa ng maging bahagi ng Iskul Bukol at T.O.D.A.S..

The post Komedyanteng si Jimmy Santos, ibinahagi ang ginawang pagsa-sideline sa palengke appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments