Ryza Cenon, ipinasilip ang kanilang lupain na pagtatayuan ng magiging bahay ng kanyang pamilya

Kilala ang aktres na si Ryza Cenon bilang isa sa mga mahuhusay na aktres sa mundo ng showbiz, at patuloy pa ring hinahangaan at inaabangan ng kanyang mga fans ang bawat pelikula at teleserye na kanyang gagawin pa.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Hindi maikakaila na talaga namang hands-on si Ryza sa kanyang trabaho, kaya naman hindi kataka-taka na naging patok sa masa ang kanyang ginampanang role bilang primera kontrabida sa Kapuso teleserye na “Ika-6 na Utos” at gumanap bilang si Georgia.

At kung tutok man sa kanyang mga naging trabaho, isa rin namang hands-on celebrity mom si Ryza, sa kanyang baby boy na si Baby Night na kanyang anak sa kasintahang si Miguel Cruz na isang professional cinematographer.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Matatandaang isinilang ng aktres ang napaka-cute at poging si Baby Night, noong Oktubre ng nakaraang taon, at tila’y ang pagdating ng kanilang anak ang nagbigay ng kulay at kasiyahan sa kanilang pamilya ngayon.

Wala pa man sa isip nina Ryza at Miguel ang patungkol sa pagpapakasal, ay kanila namang inilahad na mas priority nila ngayon ang pag-aalaga at kinabukasan ng kanilang baby boy.

“Matagal pa ‘yun. Focus muna sa baby first. Napapag-usapan naman namin ang kasal, pero hindi muna.”


Credit: @iamryzacenon on Instagram

At bahagi nga ng kanilang paghahanda para sa magiging future ng kanilang pamilya, ay masayang ibinahagi ni Ryza sa kanyang Instagram account ang lupang kanilang pagtatayuan ng bahay na magpupuno ng magagandang ala-ala ng kanilang masayang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


“We will build beautiful memories together.👨‍👩‍👦🏡🏠

Makikita sa larawan ang kanilang family picture, at sa kanilang likuran ay ang lupang pagtatayuan ng kanilang magiging bahay.

Sa panibagong milestone na ito na dumating sa buhay ni Ryza, ay marami ang natuwa at nagpa-abot ng pagbati ang ilan sa mga celebrity mom, tulad na lamang nina Dianne Medina, Ara Mina, Melai Cantiveros-Francisco at Angelika Dela Cruz.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Ngayon ay kasalukuyang naka-focus muna ang aktres sa kanyang anak na si Baby Night, at pansamantalang nagpaalam muna sa pagba-vlog at aniya ay babalik rin sa tamang panahon.

“Actually, nagpaalam ako sa Oomph group at saka sa VIVA na kung pwede na mag-stop muna kong mag-vlog.”

“Ang dami na kasing nangyayari ngayon sa social media na sobrang negative. Naapektuhan ako at parang nawawala na rin ’yung drive ko na mag-vlog. Habang kaya ko pang i-handle, ‘di ba, pahinga muna ko nang konti. Pero ‘wag kayong mag-alala. Hindi ko naman kino-close ’yung door na ayoko na talaga. Magpapahinga lang po ako sandali.”

The post Ryza Cenon, ipinasilip ang kanilang lupain na pagtatayuan ng magiging bahay ng kanyang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments