Elha Nympha, ibinahagi ang sikreto kung paano naipagsasabay ang pagiging singer at estudyante sa kabila ng busy schedule

Ang isa sa mga sikat na young singer ngayon na si Elha Mae Nympha o mas nakilala bilang si Elha Nympha ay 17 taong gulang na, at hinangaan sa kanyang husay pagdating sa pagkanta. Isa si Elha sa nagkamit ng titulong The Voice Kids Season 2 champion na ginanap noong taong 2015.

Sa bawat paglabas ni Elha sa telibisyon ay talaga namang mas lalo pang nahasa ang kanyang talent, magmula sa kanyang mga todo-bigay na performance, mapa-ASAP man o TV guesting.


Ngunit ano nga ba ang sikreto ni Elha upang maipagsabay ang kanyang oras bilang isang singer, performer at bilang isa ring estudyante?

Sa kanyang panayam sa MYXclusive ay ibinahagi ni Elha na nagagawa pa rin nya ng maayos ang kanyang mga kailangan gawin, sa kabila ng kanyang busy schedule ngayon.

“Usually during ng rehearsals namin and also sa taping namin kapag walang ginagawa, dun nago-online class ako dun and ayun kung magre-record naman ako, sa free time ganun.”

Isa sa mga binahagi ni Elha ay ang kanyang mga naging karanasan noong binibigay pa lamang sa kanya ang mga kantang ire-record nya, at kasabay nito ay mga natutunan rin nya bilang isang singer at kung paano nakilala ang sariling musika.

“I think natutunan ko mahanap yung sarili kong music, ‘cause growing up sa industry na ‘to, before usually yung mga songs na mga kinakanta ko, given lang sya sa’kin. Binibigay lang sya sa’kin, but now that I have a voice – freedom to get what you want sa music mo.”


Credit: @elhamaenymphaofficial on Instagram

“Yung music ko ngayon is all about Elha, the new Elha, the real one.”

Sa ngayon ang focus ni Elha ang pagkanta ng mga RnB at mga chill na kantahan, na kabaliktaran sa dati nyang nakagawian na puro biritan.


Credit: @elhamaenymphaofficial on Instagram

“Dati naririnig niyo ako, ang taas. Birit kung birit, laban kung laban. Pero right now kasi yung mga tao usually nakikinig na sila sa mga chill na songs. I am not trying to get away from what I’m singing before, kaya ko pa rin i-hit ang high notes I can do it parin. Pero now na na-realize ko na mas maganda ang chill lang muna. Gumawa ako ng ways para magkaroon ako ng RnB music.”




Credit: @elhamaenymphaofficial on Instagram

Samantala, hindi rin nakaligtas ang mga glow-up pictures ngayon ni Elha sa kanyang social media, at makikita na napapanatili pa rin nya ang magandang pangangatawan.

“Last year, March 2020 nagdesisyon ako na baguhin ang pagkain. Gusto kong maging healthy nung time na ‘yun. Nag-diet ako nang bonggang bongga. It’s very tough. Pero sabi nila, when you want to do something humanda ka na kasi no pa!n, no gain.”

The post Elha Nympha, ibinahagi ang sikreto kung paano naipagsasabay ang pagiging singer at estudyante sa kabila ng busy schedule appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments