Philmar Alipayo, proud sa anak na si Lilo matapos magpakita ng husay at tapang sa pagsu-surfing

Si Philmar Alipayo, ay nakilala bilang isang kilalang professional surfer. At sa kauna-unahang professional surfing tournament sa bansa, ay ginawaran bilang 6th placer sa men’s short board division of the Philippine Surfing Championship Tour (PSCT) si Philmar.


Credit: @chepoxz on Instagram

Mula sa kanyang ipinamalas na galing sa surfing, hindi kataka-taka na marami rin ang humanga kay Philmar, lalo na sa tuwing masasaksihan ng kanyang mga fans ang pagsu-surfing sa dagat.

Marahil ang pamumuhay sa Isla ang isa sa mga dahilan, kung bakit minahal at tinangkilik ni Philmar ang ganitong klaseng propesyon na nagsilbing kanya na ring libangan ngayon sa Isla ng Siargao.




Credit: @chepoxz on Instagram

Saksi hindi lamang ang kanyang mga fans, kundi pati na rin ang fiance nyang aktres na si Andi Eigenmann, ay labis din ang suporta na ibinibigay sa kanya pagdating sa surfing.

At kung tatanungin kung kanino sa kanilang mga anak na sina Lilo at Baby Koa ang siyang magmamana sa kanyang talentong ito, hindi kataka-taka na ang Island girl at napaka-cute na si Lilo ay nahilig rin sa surfing.

Sa kanilang mga previous vlogs, ay nasaksihan ng kanilang mga fans ang ginawang pagtuturo ni Philmar ng surfing kay Lilo, na syang umani ng maraming komento mula sa mga netizens.


Credit: @chepoxz on Instagram

At ngayon sa isang video clip na binahagi ni Philmar sa kanyang Instagram, ay muli na namang kinagiliwan at hinangaan ng mga netizens ang ipinakitang tapang ni Lilo sa pagsu-surfing kasama ang kanyang ama.

Makikita sa video na nasa harapan si Lilo at nakaalalay sa kanyang likuran si Philmar, at mapapansin na lakas-loob nitong hinarap ang bawat alon at tumayo sa surfboard.

Hindi naman napigilan ni Philmar ang pagiging proud sa katapangan na ipinakita ng kanyang Island girl sa pagsu-surfing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


“So proud of you my brave little girl @liloislandgirl already standing up on her own 🙏🏽

Tulad ng kanilang mga fans ay nagbigay rin ng paghanga at komento ang TV host at komedyanteng si Melai Cantiveros-Francisco sa ipinakitang husay ni Lilo sa surfing.




Credit: @chepoxz on Instagram

Ayon pa kay Melai, ay paniguradong si Lilo na raw ang marahil na hihirangin bilang next surfing champion.

“Grabe ang galing ni Lilo 🙌🙌👏👏👏 maging champiom yan sure ako ang journey nya sa surfing.”

Maliban kay Lilo at Baby Koa, ay kasama rin nina Philmar at Andi sa Isla ang panganay ng aktres na si Ellie, na anak nito sa dating kasintahan na si Jake Ejercito.

The post Philmar Alipayo, proud sa anak na si Lilo matapos magpakita ng husay at tapang sa pagsu-surfing appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments