Zsa Zsa Padilla, ipinasilip ang Dolphyville Estates sa Batangas na pagtatayuan ng museo ng napakagaling na komedyante na si Dolphy

Isa ang aktor at komedyanteng si Rodolfo Quizon o mas kilala sa tawag na si Dolphy sa mga huwarang aktor at binansagang “Hari ng Komedya”, magmula sa mga pelikula at teleseryeng kanyang ginawa na patuloy na tinangkilik ng sambayanan.

At ng siya ay mamaalam sa mundo ng showbiz, pati na rin sa kanyang pamilya at mga kaibigan, ang kanyang ala-ala ay hindi kailanman mawawala sa puso ng kanyang mga tagahanga.


Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel

Kaya naman bilang pag-alala sa kanyang pagiging huwarang komedyante at aktor, ang itatayong museo para kay Dolphy ay siyang matatagpuan sa Brgy. Talisay, Calatagan, sa Batangas.

Sa video na ibinahagi ng aktres at Divine Diva na Zsazsa Padilla, ang dating asawa ni Dolphy bago sya mama@lam, ay ipinakita nito sa kanyang mga viewers ang Dolphyville Estates.


Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel

Kasama ang anak na si Zia, at ang aktor na si Epy Quizon na isa sa mga anak ni Dolphy, ay kanilang ipinakita ang kabuuang itsura ng Dolphyville na ayon kay Zsazsa ay nabili nila ito noong magkarelasyon pa lamang sila.





Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel

“Tapos naalala ko ‘yung amount kasi sobrang layo na kung ano ‘yung worth niya ngayon. Nandito tayo ngayon sa site kung saan itatayo ‘yung kanyang museum.”

Ang kabuuang espasyo ng Dolphyville Estates ay nasa higit kumulang na 14 ektarya ang laki at lawak, na syang tatayuan ng isang resort type hotel na mala museum kung iyong iisipin, siyang kanilang papangalanan bilang Dolphyville Manor.


Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel

“We will call it the Dolphyville Manor. The whole estate is about 14 hectares. This used to be the Quizon’s family Mango farm and then they converted into residential property.”


Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel

Ang museum na itatayo para kay Dolphy ang magsisilbing ala-ala sa aktor simula ng siya ay makilala sa mundo ng showbiz.

“It’s a residential complex also eventually, hopefully na kukuha rin kami ng residential. And will have like parang Sunday market, that’s the dream.”

Ayon sa kanila ay 90% na umano ang natatapos sa Dolphyville at kanila ring ipinaalam na maaari na makabili ng lupain mula dito.




Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel

Pagdating naman sa pagpapangalan ng mga kalye, ay plano umano nina Epy na kunin ito mula sa pangalan ng mga anak ni Dolphy, na syang agad namang nagbigay katatawanan sa kanilang tatlo.

Agad namang sinabi ni Epy na kanilang ipapangalan magkakapatid ito sa mga naging karakter, ng kanilang ama sa mga pelikula at TV shows na kinabilangan nito.

“Ang gusto naming magkakapatid mga characters ni daddy (sa pelikula at TV show), like may Quizon Avenue, John Boulevard, Puruntong Street, Omeng Way, but of course the main road is we want the name of daddy, Dolphy Street.”

Maliban sa mga residential complex ay magkakaroon rin ng commercial lots, na maaari na ring bilhin ng mga gustong manirahan sa Batangas.

The post Zsa Zsa Padilla, ipinasilip ang Dolphyville Estates sa Batangas na pagtatayuan ng museo ng napakagaling na komedyante na si Dolphy appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments