Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie, cute na cute habang kumakain kasama ang kanyang daddy

Sa kanyang maganda at maamong mukha ay sino ba ang hindi nahumaling sa napaka-cute na si Dahlia Amelie, na anak ng aktres at TV host na si Anne Curtis at asawang chef na si Erwan Heussaff.

Talaga nga namang hindi maikakaila na ang pagiging magandang bata ni Dahlia, ay kanyang nakuha sa kanyang magandang ina at gwapong ama.


Credit:@erwan on Instagram

Sa bawat litrato at videos ni Dahlia, ay talaga namang nakaabang ang mga netizens at hindi maiwasang maipagkumpara kung sino nga ba kina Anne at Erwan ang kanyang kamukha.

Marami ang nagsasabing kamukha ni Erwan at tila’y kanyang carbon copy ang anak, dahil sa kanilang pagkakahawig sa mata at ilong.




Credit:@dahliaamelieee on Instagram

Hindi maikakaila na kahit sila man ang magkamukha, ay nagkakasundo naman ang mag-ama sa maraming bagay at nagmistulang parang kambal ang dalawa dahil hindi na mapaghiwalay sina Erwan at Dahlia.


Credit:@dahliaamelieee on Instagram

Kung si Anne ang laging kasa-kasama ni Dahlia sa kaniyang playtime, tila’y pagdating naman sa kainan ang kanyang ama ang syang kasundo at ka-kwentuhan habang kumakain.

Makikita sa video ng Instagram fan page ni Dahlia, ang kaniyang video kasama si Erwan at makikita ang kanilang masayang bonding habang siya ay pinapakain.


Tila’y enjoy na enjoy ni Dahlia ang kanyang kinakain lalo na at kanyang ama ang nagpapakain sa kanya, at mapapansin rin na labis na nagkakasundo ang dalawa na parang mag “besties” pa kung sila ay titignan.

Mayroon din namang pagkakataon na kahit ano man ang ginagawa ni Erwan ay laging nakasunod si Dahlia sa kanya, at ayaw mahiwalay sa kanyang ama.

Isa na rito ang kanilang larawan na kung saan ay makikita na habang inaayusan si Erwan, ay naka-upo sa kanyang kandungan ang anak at nakatingin sa harapan ng vanity mirror na saktong kinukuhanan nito silang mag-ama.




Credit:@dahliaamelieee on Instagram

Matatandaan na sa Australia isinilang ni Anne ang napakacute na si Dahlia. At sa pagdating nga ng kanilang supling, ay ito na rin ang naging sentro ng kanilang buhay, na siyang nagbibigay saya at kulay ngayon sa kanilang pamilya.

Ika-2 ng Marso, ng isinilang ni Anne si Dahlia taong 2020.

The post Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie, cute na cute habang kumakain kasama ang kanyang daddy appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments