Sheena Halili, ibinahagi ang masayang pagdiriwang ng ika-6 months old celebration ng kanyang baby girl na si Martina

Napakabilis nga naman ng panahon, parang kailan lamang ng isinilang ng aktres na si Sheena Halili ang kaniyang baby girl na si Martina Candice. At nitong ika-12 ng Hunyo, ay masayang ipinagdiwang ng aktres ang ika-6 months old ni Baby Martina.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Sa bawat paglipas ng oras at panahon na kasama ni Sheena si Baby Martina, ay unti-unting mas nagiging aktibo ngayon ang kanyang anak sa bawat litrato at videos na kasama nya ito.

Kitang-kita sa bawat post ng aktres ang kanyang pagiging hands-on sa anak at makikita sa kanila ang isang napaka sayang pamilya.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

Hindi maikakaila ang pagiging proud mommy ni Sheena sa kanyang baby girl sa unti-unting paglaki nito at sa bawat milestone na nakakamit ng kanyang anak.

At ngayon na ika-6 months old na ni Baby Martina, ay masayang ipinagdiwang ni Sheena kasama rin ang kanyang asawang si Jeron Manzanero ang espesyal na araw na ito sa kanilang pamilya.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Sa ika-6 buwang gulang ni Baby Martina, ay nag-upload si Sheena sa kanyang Instagram account ng mga cute na larawan nito, na kinuhanan mismo sa loob ng kanilang tahanan.

Tila’y naging isang Disney Princess ang naging tema ng naging photoshoot ni Baby Martina at nag mala Princess Jasmine naman ang kanyang naging itsura na makikita sa naging outfit nito sa kanyang photoshoot.


“Martina’s entry for monthly Disney Princess! 🤣 Princess Jasmine! 🧞♂‍”

Kapansin-pansin ang masayang ngiti at ang pag-eenjoy ni Baby Martina kasabay ang espesyal na araw na ito sa kanyang buhay.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Ayon pa sa naging caption ni Sheena ay aminado ang aktres na sya na raw ay isang stage mom, at kahit magsimula pa man sa pag-aaral ang kanyang anak ay kasama pa rin sya sa pagpasok nito sa school.


“Alam ko na! Na stage mom ako 🙋🏻♀‍ Anak, humanda ka 🤣 kahit breaktime mo sa school andoon ako 🤣 sabay tayo kain 🤣 sana joke lang ito! 🤣🙏🏻 We love you anak! Happy 6 months ♥

Sa masayang pagdiriwang na ito ng ika-6 months old ni Baby Martina ay kasabay ring naki-enjoy ang kanilang mga supporters at nag-abot rin ng pagbati para sa kaarawan ni Baby Martina.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

“O ang haba na ng buhok!! Hahaha half-y birthday Martina!!”

“Disney baby princess ✨

“Super cute ur baby 😍😍 si chinita super pretty 😍

The post Sheena Halili, ibinahagi ang masayang pagdiriwang ng ika-6 months old celebration ng kanyang baby girl na si Martina appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments