‘Pangakong iingatan at mamahalin ka…’ Sue Ramirez, nagbahagi ng nakakakilig na mensahe sa kaarawan ng kanyang boyfriend na si Javi Benitez

Hindi nga naman maipinta ang ngiti at saya ngayon sa mukha ng aktres na si Sue Ramirez, hindi lamang sa kanyang showbiz career kundi maging sa kanyang love life ay napaka makulay rin.


Credit: @sueannadoodles on Instagram

Matatandaang naging usap-usapan noon sa social media ang relasyon ng aktres sa kanyang boyfriend na si Javi Benitez, at ito ay kanilang ikinumpirma sa pamamagitan ng kanilang mga sweet photo na magkasama, na siyang kanilang parehas na ibinahagi sa kanilang magkahiwalay na Instagram account.


Credit: @sueannadoodles on Instagram

Magmula pa lamang noon ay naging bukas na sina Sue at Javi pagdating sa kanilang relasyon, at hindi naman rin dito natapos ang natatanggap nilang suporta at pagmamahal sa kanilang mga taga hanga at kaibigan, bagkus ay mas lalo pang nadagdagan ang sumusubaybay sa kanilang nakakakilig na love story.




Credit: @sueannadoodles on Instagram

Sa katunayan pa nga, sa kaarawan ni Javi nito lamang Oktubre 8, ay nagbahagi ng mga litrato ang aktres kasama ang kanyang kasintahan. At kalakip ng kanilang mga sweet photos na magkasama, ay isang nakakakilig na mensahe naman ang siyang pinaabot nito para kay Javi.


Credit: @sueannadoodles on Instagram

Sa mensahe na ito ni Sue, ay mababakas ang kanyang nag-uumapaw na pagmamahal sa pamamagitan ng paglalahad ng kanyang pangako sa kasintahan, na ito ay kanyang iingatan at mamahalin sa abot ng kanyang makakaya.

Aniya, “Pangakong iingatan at mamahalin ka sa abot ng aking makakaya. Maligayang kaarawan, Mahal ko!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)


Isa naman nakakakilig rin na reply ang isinagot ni Javi sa sweet na mensahe na ito na ipinaabot ng kanyang girlfriend.

Ani nito sa kasintahan, “Ikaw ang bumubuo ng buhay ko. Salamat sa pagmamahal mo, Inday Sue.”


Credit: @sueannadoodles on Instagram

Samantala, marami rin sa kanilang mga kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni Javi. At ilan na nga sa mga ito ay sina, Dominic Roque, Ria Atayde, Iza Calzado, Yves Flores, Jai Agpangan, Ruffa Mae Quinto at marami pang iba.

“Ay winner❤ happy birthday My Javi este your Javi haha😍

“Happy Birthday to Your Javi! ❤

The post ‘Pangakong iingatan at mamahalin ka…’ Sue Ramirez, nagbahagi ng nakakakilig na mensahe sa kaarawan ng kanyang boyfriend na si Javi Benitez appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments