Bea Alonzo, masayang ipinasilip ang kanyang bongga at napakagandang customized van na may sariling shower area at iba pang mga kagamitan

Madalas na nating masilayan sa mga bigatin at kilalang artista sa showbiz ang mga “artista van”, lalo pa nga’t parte na ng kanilang buhay at trabaho ang palaging nasa labas ng kanilang tahanan o ‘di naman kaya ay ang pagpunta sa ba’t-ibang lugar upang mag-taping.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Kaya naman ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo ay talaga naman hindi rin nagpahuli pagdating sa pagandahan ng sasakyan, dahil sa kanyang latest vlog ay ipinasilip nito ang loob at laman ng kanyang customized taping van.

Kwento pa ni Bea, sa loob ng 20 years na pagtatrabaho nya sa showbiz, ay never pa raw nito na-experience ang magkaroon ng isang Artista Van.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Aniya, “Before kasi I never really felt like I needed one, since kadalasan naman ‘pag nagpupunta kami sa set, nasa tent na kami agad.”

Kaya ngayon na siya ay nakabili na ng kanyang sariling taping van, ay para sa kanya isa ito sa mga “necessity” ng mga artista tulad niya, lalo na ngayon na ang lahat ay nag-i!ngat sa nakakah4wang v!rus.




Credit: @beaalonzo on Instagram

Dagdag pa ni Bea, “Feeling ko ngayon, it’s become a necessity para sa trabaho namin, because we go to a lot of different places.”

Pagbukas pa lamang ng kanyang Ford Transit na sasakyan, ay bubungad na agad sa’yo ang isang mini box na naglalaman ng mga sanitary items tulad na lamang ang kanyang slipper, alcohol, at disinfectant spray.


Credit: @beaalonzo on Instagram

At kung isa ka rin sa mga fan ni Alexa, tila ‘yan naman ang siyang isa sa iyong makikita sa loob ng van ni Bea, dahil ang kanyang customized na sasakyan ay isa ring voice-automated van.

Sunod namang makikita sa kanyang sasakyan ay ang captain chair, na hindi lamang basta upuan, kundi maaari ring maging mahigaan, magmasahe ng iyong likuran at pwede ring saksakan ng iyong mga gadgets.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Kung na-eenjoy mo rin ang mga makukulay at maliliwanag na bituin sa kalawakan, tila mayroon din ito sa kanyang sasakyan at ito nga ay ang makukulay na starlights, na makikita naman sa itaas na bahagi ng kanyang sasakyan.

At kung hanap mo ay kakaiba, tila mapapabilib ka naman dahil sa lahat ng mga artista ay tanging si Bea lamang ang makikitaan ng sariling microwave sa loob ng kanyang customized van.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Aniya, “talagang nagdadala ko ng sarili kong microwave, kaysa ipo-problema ko pa dun sa production people kung saan iinit yung pagkain ko, kaya I bring my own na lang.”

At hindi lang ‘yan, dahil ang kanyang taping van ay may sariling CR din, na may shower at toilet pa.

Tila kamangha-mangha nga ang customized van na ito ni Bea dahil sa kanyang napaka bonggang sasakyan, ay kahit sino nanaising gawin na itong ikalawang tirahan.




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Samantala, kapansin-pansin naman ang pagiging malinis at masinop ng aktres pagdating sa kanyang mga kagamitan, na talagang ang bawat gamit niya ay nakalagay sa isang transparent glass container na maayos na nakalagay sa loob ng kanyang mga compartments.

Makikita rin sa loob ng kanyang sasakyan ang reading light, control system, outlets, Intercom upang makausap ang kanyang driver, TV, coffee drawer, fridge para sa kanyang mga fruits at drinks, waterproof carpet at marami pang iba.

The post Bea Alonzo, masayang ipinasilip ang kanyang bongga at napakagandang customized van na may sariling shower area at iba pang mga kagamitan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments