Judy Ann Santos, ibinahagi ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang anak na si Lucho

Kinilala sina Judy Ann “Juday” Santos at Ryan Agoncillo bilang isa sa mga celebrity couple ngayon, na hinahangaan at inspirasyon ng nakararami dahil sa kanilang pagiging matatag hindi lamang sa kanilang relasyon dalawa, kundi pati na rin sa kanilang pagkakaroon ng masayang pamilya kasama ang kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


Sa kabila ng kanilang natamong kasikatan bilang mga mahuhusay na aktor at aktres sa industriya ng showbiz, isa rin sa mga nagpabilib sa kanilang mga taga hanga ay ang kanilang natatanging galing, pagdating sa paghahawak ng kanilang negosyo kaya hindi kataka-taka na nakapagpatayo sila ng kanilang sariling business, ang “Angrydobo”.

At sa kanilang husay sa pag-arte at pagma-manage ng kanilang negosyo, hindi naman maitatanggi na sina Juday at Ryan ay hands-on rin pagdating sa kanilang mga anak.


Credit: @officialjuday on Instagram

Sa katunayan, kahit busy man sila sa kani-kaniyang trabaho ay nagagawa pa rin nilang maipagdiwang ang espesyal na araw sa buhay ng kanilang mga anak at pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


Tulad na lamang ang ika-11 na kaarawan ni Lucho, na siyang makikita na ang kaarawan nito ay talaga namang pinaghandaan, magmula pa lamang sa dinner set-up na kanilang ginawa na siyang makikita sa IG story ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)


Kalakip ng mga video sa naturang venue, ay makikita rin ang kanilang naging masasarap na food na mula pa mismo sa Wolfgang’s Steak na siyang request mismo ni Lucho.




Credit: @officialjuday on Instagram

Bukod sa kanilang intimate dinner at masasarap na pagkain, pinakita rin ni Juday ang isa sa mga natanggap na regalo ng kanyang anak, na naglalaman ng mga Dalgona candies na usong-uso ngayon dahil sa South Korean series na “Squid Game”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


Sa video ay makikitang hindi lamang si Lucho ang labis na natuwa sa kanyang natanggap na regalo, kundi pati na rin si Juday ay tuwang-tuwa rin.

Sa kaarawan nito, ay isang mensahe naman ang ipinaabot ng aktres para sa kanyang anak at sinabing, “My sweet, sweet boy… now i know i must have done something super good, to deserve such an awesome, kind hearted, smart, funny, compassionate, understanding, (i could go on and on my love..) human being. You are so loved by many.. happy 11th my sweet love. #lucho11th”

The post Judy Ann Santos, ibinahagi ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang anak na si Lucho appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments