Nikki Gil, masayang inanunsyo ang pagsilang ng kanyang 2nd baby na si baby Maddie

Walang mapagsidlan ang tuwa at galak ng dating aktres at singer na si Nikki Gil, simula ng kaniyang ibalita noong ika-18 ng Abril, ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ng kanyang asawa na si BJ Albert.


Credit: @nikkigil on Instagram

Simula ng kaniyang ibahagi sa publiko ang kanyang pregnancy journey at ang pagiging excited ng kanyang panganay na si Finn sa pagdating ng kanyang baby sister, ay marami rin sa kanyang mga kaibigan sa showbiz at mga taga hanga ang naghahangad ng kanyang ligtas na pagbubuntis lalo na ang mismong araw ng kanyang panganganak.


Credit: @nikkigil on Instagram

At sa paglipas ng ilang buwan, ay isang napakagandang balita ang siyang bumungad ngayon sa social media. Dahil si Nikki ay naisilang na nga ng ligtas at malusog ang kanilang anak, na pingalanan nila bilang si Baby Madeline Elle, na tinawag rin ng aktres sa palayaw nito na Baby Maddie.




Credit: @nikkigil on Instagram

Aniya, “Our little miss Madeline Elle arrived a few days ago and we’re completely smitten! Thank you, Lord, for our sweet Maddie”

Hindi man idinetalye ang patungkol sa eksaktong petsa kung kailan naipanganak ni Nikki si Baby Maddie, ay nagbahagi naman ang aktres ng kanyang larawan sa delivery room na kung saan ay nakasama niya mismo rito ang kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Sa litrato ay makikitang isinilang ni Nikki ang kanyang anak sa St. Luke’s Medical Center, at kalakip ng mga litratong ito ay makikita ang napakaputi na si Baby Maddie na nasa d!bdib ng kanyang Mommy.

Bukod pa diyan ay makikita rin ang isa pang close-up picture nito, na siyang makikitang nakadilat na ang mga magagandang mata ni Baby Maddie.




Credit: @nikkigil on Instagram

Sa magandang balitang inihatid ng aktres sa publiko, marami naman sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagbigay ng kanilang komento at pagbati para kay Nikki at BJ.

Ilan sa mga ito ay sina, Anne Curtis, Marian Rivera, Shaina Magdayao, Jackie Lou Blanco, Erik Santos, Charles Tiu, Enchong Dee at marami pang iba.

The post Nikki Gil, masayang inanunsyo ang pagsilang ng kanyang 2nd baby na si baby Maddie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments