Jason Abalos, planong magpatayo ng farmhouse nila ng kasintahang si Vickie Rushton sa kanyang probinsya sa Nueva Ecija

Tila ready to settle down na nga ang magkasintahang sina Jason Abalos na isang mahusay na aktor at kanyang girlfriend na si Vickie Rushton na isang beauty queen.


Credit: @thejasonabalos on Instagram

Sa loob ng ilang taon nilang relasyon, ay isang magandang balita ang siyang ibinahagi nila sa publiko, na kung saan ay malapit na nga maumpisahan ang kanilang planong farmhouse na itatayo mismo sa probinsya nina Jason.

Laking Pantabangan, Nueva Ecija ang aktor at ayon sa kanya ay doon niya raw mismo balak itayo, ang kanilang magiging tirahan at ang magiging simula ng kanilang pagbuo ng isang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)

Ayon sa isa sa mga naging panayam sa kanya noon, ay ibinahagi ni Jason na matagal na raw nilang pangarap ni Vickie ang manirahan sa probinsya, at magkaroon ng sariling beach house o ‘di naman kaya ay farm lot.

Aniya, “Lagi kami nangangarap na magkaroon kami ng beach house, o kaya ng farm lot na para doon kami bumuo ng pamilya.”




Credit: @thejasonabalos on Instagram

Dagdag pa niya, “Meron kasi ako dun na parang gusto [ko] i-develop na pamana pa sa’kin ng Lolo ko. Sabi ko, mas maganda ka ‘ko na, ‘yung ating bahay, as nature. Mas magandang dito mo papalakihin yung mga anak natin, na sanay sa mga alagang hayop, sanay sa mga halaman, sila yung magtanim ng mga gulay,’”

At kung tatanungin kung ayos lang rin ito sa kanyang kasintahan, ay agad naman itong sinagot ni Jason at sinabing, “yun din naman ang gusto niya rin.”

Kaya naman ang kanilang matagal na pinapangarap na farmhouse sa probinsya ay mangyayari na ngayon.


Credit: @thejasonabalos on Instagram

Sa katunayan, ay nagbahagi na nga ng mga litrato si Jason sa kanyang Instagram account, na kung saan ay makikita rito ang ipinamanang magandang lupa sa aktor, at disenyo ng magiging itsura ng kanilang bahay.

Sa litrato ay talaga naman makikita na ready na silang dalawa, at ayon pa nga kay Jason ay magiging katuwang niya umano si Vickie sa kanilang itatayong farmhouse.


Credit: @thejasonabalos on Instagram

Ayon sa kanyang inilagay na caption, “Magiging katulong ko ang @lotustoolsph para mabuo namin ni @vimrushton ang aming magiging farm house. Kung gusto nyo kami samahan para makita kung ano kakalabasan, kita kits sa youtube account ko.”

The post Jason Abalos, planong magpatayo ng farmhouse nila ng kasintahang si Vickie Rushton sa kanyang probinsya sa Nueva Ecija appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments