Desiree del Valle, isinilang na ang kanilang first baby ng kanyang asawa na si Boom Labrusca

Tunay ngang napakalaking biyaya para sa isang kababaihan ang maranasan ang buhay ng pagiging isang ina, na kahit kaakibat man nito sa simula pa lamang ang hirap ng pagbubuntis at panganganak, ay tila lahat naman ng mga ito ay “worth it” para sa isang ilaw ng tahanan.


Credit: @deslois on Instagram

Ganito nga mailalarawan ang first time mom na si Desiree Lois del Valle Dunham o mas kilala ng publiko bilang si Desiree Del Valle. Dahil nito lamang ika-4 ng Oktubre araw ng Lunes, ay ang pagdating ng napakalaking biyaya sa buhay ng aktres at ng kanyang asawang aktor na si Boom Labrusca.


Credit: @deslois on Instagram

Sa latest post ni Desiree sa kanyang Instagram account, ay isang magandang balita ang kaniyang inanunsyo, dahil makalipas ang ilang buwan na paghihintay ay sa wakas naisilang na ng aktres ang kanilang panganay ni Boom, ang baby boy na pinangalanan nila bilang si Alexander Sebastian Dunham Labrusca.


Credit: @deslois on Instagram

Eksaktong 2:14 ng hapon ng October 4, ay naisilang na ni Desiree si Baby Alexander, at sa mga larawang ibinahagi nito ay makikita ang very supportive husband na si Boom, na nanatili sa kanyang tabi sa delivery room.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Desiree Lois Dunham (@deslois)


Bukod pa diyan ay makikita rin ang kanilang magkahawak kamay, na hindi iniwan ang isa’t-isa hanggang sa maisilang ng aktres ang kanilang munting anghel.

Sa pagdating ni Baby Alexander, labis naman humanga si Boom sa katapangan at pagiging matibay ng kanyang asawa. Aniya, hindi raw matutumbasan ng kahit na anong bagay kahit pa ang kaniyang prisensya ang hirap na pinagdaanan ng isang ina.




Credit: @deslois on Instagram

Ani ni Boom, “To my wife, for carrying our baby, for being strong and for being an amazing wife. Good job mommy. Maaaring anduon tyo sa Kanilang tabi ngunit kailanman ay di naten malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by boom labrusca (@boomeey)


Sa kabila nito ay malaki naman ang nagiging pasasalamat nilang mag-asawa sa mga doctor at nurses, na gumabay at tumulong sa kanila hanggang sa maisilang ng maayos at ligtas ang kanilang anak na si Baby Alexander.


Credit: @deslois on Instagram

“To all the doctor’s and nurses at st. Lukes erod Maraming Maraming Salamat po sa inyong pag alaga sa aking mag ina.” Dagdag pa ni Boom.

Naganap ang pag-iisang dibdib nina Desiree at Boom noong January 14, taong 2018 sa South Lake Tahoe City na ginanap sa California, USA.

The post Desiree del Valle, isinilang na ang kanilang first baby ng kanyang asawa na si Boom Labrusca appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments