Scarlet Snow Belo, nasurpresa at napayakap ng mahigpit sa kanyang yaya sa muling pagbabalik nito matapos ang matagal na panahong pagkawalay

Isang taon na rin pala ang nakalilipas simula ng masaksihan ang naging emosyonal na pamamaalam ni Scarlet Snow Belo, na anak ng celebrity couple na sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho sa kanyang Yaya Anita.


Credit: @scarletsnowbelo on Instagram

Si Yaya Anita ay matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya bilang kasambahay. Ngunit, maliban sa pagiging kasambahay, ay kasabay rin nito ang kanyang pag-aalaga simula noong 5 months old pa lamang si Scarlet.

Sa katagalan ng kanyang pamamalagi sa tahanan ng mga Belo, ay hindi naman maitatanggi na napalapit na rin ang napakacute na bata sa kanyang Yaya Anita. Kaya naman, simula ng magpaalam ito pauwi sa kanilang probinsya, ay ganoon na lamang ang labis na naramdamang nitong lungkot ng malamang matagal na mawawalay sa kaniya ang kanyang Yaya.




Credit: @scarletsnowbelo on Instagram

Ngunit nagkahiwalay man ng isang taon, ay masayang nagbabalik na ngayon ang kanyang Yaya Anita, na siyang makikita sa video na ibinahagi ni Scarlet sa kanyang Instagram account.

Nito lamang Tuesday, October 5 ay bumalik na nga galing probinsya si Yaya Anita, at sa video ay makikita ang emosyonal na pagtatagpo nilang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo)


Sa video ay makikitang si Dra. Vicki ay sinorpresa ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagtakip ng mga mata nito, at ng makita na ni Scarlet ang sopresang inihanda para sa kanya, ay dito naman mapapansin ang gulat at nag-uumapaw na kasiyahan nito ng masilayan muli ang kayang yaya.


Credit: @scarletsnowbelo on Instagram

Sa labis niyang tuwa at sayang nararamdaman ay makikitang napapatalon pa ito sa sobrang kasiyahan, at niyakap ng mahigpit ang kanyang Yaya Anita.

Sa kanyang inilagay na caption na, “Look who’s back! She honored her promise! I’m soooo happy! @athena1974”


Credit: @scarletsnowbelo on Instagram

Dahil sa kanilang masayang pagtatagpo ay marami naman sa mga netizens ang naantig ang kanilang mga puso, at hindi rin napigilang matuwa para kay Scarlet sa muling pagbabalik ni Yaya Anita.

“I cried to see scarlet sooo happy!! Yaya nita is back!!💕💕💕

“I feel you scarlet! Happy for you!😍 I have a very close yaya ate too…they are like your bff!”

The post Scarlet Snow Belo, nasurpresa at napayakap ng mahigpit sa kanyang yaya sa muling pagbabalik nito matapos ang matagal na panahong pagkawalay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments