Sarah Lahbati, agaw pansin sa kanyang mga ibinahaging larawan na hinangaan ng mga netizens pati na rin ng mga taga showbiz

Kung ang pag-uusapan lang rin naman ay pagandahan , tiyak na isa sa nangunguna sa listahan ang aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Kahit siya ay pamilyado na at mayroon ng dalawang anak na sina Zion at Kai sa kanyang asawang aktor na si Richard Gutierrez, ay hindi maitatanggi na nag-uumapaw pa rin sa kagandahan at pagkakaroon ng magandang pangangatawan si Sarah.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Kaya naman hindi lamang ang kanyang asawa ang nahumaling sa kanyang ganda, kundi pati na rin ang publiko na siyang humanga at kinapulutan siya ng ispirasyon lalo na ang mga celebrity mom at kababaihan tulad niya.

Sa katunayan, sa kanyang mga litrato sa social media ay hindi maaaring ito ay hindi magiging maganda at bongga, kaya hindi nakapagtataka na siya ang laging kinukuha sa mga endorsements bilang kanilang modelo.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Tulad na lamang ang latest photo na ibinahagi ni Sarah sa kanyang Instagram account, na kung saan ay inulan ng mga papuri at komento hindi lamang sa kanyang mga tagahanga, kundi pati na rin sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz ay namangha rin sa kanyang natatanging ganda.

Ito lang naman kasi ang litrato ng aktres na kung saan ay makikita ang kanyang kakaibang look, na siyang makikitang bumagay sa kanyang napakagandang mukha ang kanyang maikling blonde na buhok, isama pa ang kanyang suot-suot na Louis Vuitton dress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Ang litratong ito ni Sarah ay kuha mismo sa kanyang Louis Vuitton photosh0ot, at mula rito ay marami sa mga celebrities na nagbigay ng kanilang komento, at nagsabing kamukha niya umano ang sikat noong 1990’s na Canadian Fashion model na si Linda Evangelista.

Karamihan sa mga sikat na personalidad na nagbigay ng kanilang komento ay sina, Vice Ganda, Ruffa Guttierez, Isabel Oli-Prats, Kim Atienza, Charlene Gonzales-Muhlach, Maxene Magalona, Bela Padilla at marami pang iba.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

“Serving us miss Linda Evangelistaaaa vibes”

“nice new look hair😍😍. so beautiful mama sarah❤❤🔥🔥

The post Sarah Lahbati, agaw pansin sa kanyang mga ibinahaging larawan na hinangaan ng mga netizens pati na rin ng mga taga showbiz appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments