Pauleen Luna, nagbahagi ng napaka-sweet na mga litrato kasama ang asawa na si Vic Sotto at anak na si Tali

Likas na sa bawat pamilya ang pagkakaroon ng masasayang bonding moments at paglalaan ng kanilang mga oras upang makasama ang kanilang pamilya. Kaya naman kahit abala sa bawat ginagawa, o sa dami ng nakapilang gawain mapa trabaho man o gawaing bahay, ay tiyak na mayroon pa ring nakalaan na oras upang sila ay makasama.


Tulad na lamang ng celebrity couple na sina Bossing Vic Sotto na isang TV host ng noontime show na “Eat Bluga” at ang kanyang asawa na si Pauleen Luna, ay sinisigurado pa rin nila mag-asawa na sa kabila ng busy schedule ay nabibigyan nila ng sapat na oras at atensyon ang kanilang pamilya, lalong-lalo na pagdating sa kanilang bibo at napaka-cute na anak na si Tali.

Sa katunayan, ng dumating ang pandemya sa bansa ay marami sa mga pamilya ngayon ang labis na napalapit sa isa’t-isa, at mas nagkaroon ng oras upang maka-bonding ang kanilang pamilya.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

At isa na nga diyan ang Sotto Family, na kung saan ay sa mahabang panahon na pananatili sa loob ng tahanan, ay mas lalong naging matibay at maganda ang relasyon nina Vic, Pauleen at kanilang anak na si Tali.

Patunay na lamang nito ay ang mga videos at larawan na ibinabahagi ni Pauleen sa kanyang social media account, na talaga namang makikita ang pagiging malapit ng kanilang pamilya sa isa’t-isa.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Kaya naman hindi kataka-taka na marami sa mga netizens ngayon, ay sila ang naging inspirasyon pagdating sa pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya.


Samantala, isa na namang litrato ang ibinahagi ng celebrity mom kamakailan sa kanyang Instagram account, na siyang pumukaw sa mga netizens at nagbigay ng kakaibang ngiti sa kanilang mga damdamin.

Ang litrato nga na ito ay walang iba kundi ang napakasayang adorable family photo nina Pauleen at Vic kasama ang kanilang anak na si Tali, na siyang makikita ang mahihigpit nilang yakap sa isa’t-isa.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Talaga nga namang hindi mapapalitan ng kahit na anong halaga at materyal na bagay kung ang kapalit naman nito ay ang makapiling at makasama ang iyong pamilya.

Sa litrato nilang ito ay hindi lamang mga puso netizens ang napukaw, kundi pati na rin ang ilan sa mga celebrities tulad nina Pokwang, MJ lastimosa, at Baste na nakasama rin ng mag-asawa sa naturang noontime show.

The post Pauleen Luna, nagbahagi ng napaka-sweet na mga litrato kasama ang asawa na si Vic Sotto at anak na si Tali appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments