Yasmien Kurdi, tinuruan ang anak na si Ayesha na magluto gamit ang palayok

Tunay ngang napakalaki ng pagkakaiba ng pamumuhay sa probinsya at ang pamumuhay sa syudad, dahil maliban sa mga magagandang tanawin na makikita sa probinsya, ay napakasarap din damhin ang sariwang simoy ng hangin. Lalo pa at kung sasabayan ito ng masasarap na pagkain mapa tag-araw man o tag-ulan.


Credit: Yasmien Kurdi Youtube Channel

Hindi man nakatira sa probinsya, ngunit masayang nagbakasyon at tinungo ng celebrity mom na si Yasmien Kurdi-Soldevilla, ang Antipolo City kasama ang kanyang pamilya upang makapag-relax at ma-enjoy ang ganda ng lugar.

Nagbakasyon sina Yasmien kasama ang kanyang asawa na si Rey Soldevilla Jr. na isang piloto, at ang kanilang napakagandang panganay na si Ayesha Zara sa Camp Jony na matatagpuan sa Sitio Binayoyo, San Jose sa Antipolo City.




Credit: Yasmien Kurdi Youtube Channel

At kalakip ng kanilang masayang staycation, ay ipinasilip naman ng aktres sa kanyang YouTube channel ang lugar na kanilang tinuluyan.

Tila napakalakas nga naman maka Pinoy ang bahay kubo na tinuluyan ng kanilang pamilya, dahil bukod sa magandang view ng kapaligiran ay makikita sa pagpasok ang ilan sa mga gawang Pinoy na kagamitan, na talagang mararamdaman ang hatid nitong probinsya vibes.


Credit: Yasmien Kurdi Youtube Channel

Kaya naman bukod sa pagka perfect ng lugar, ay naisipan rin ni Yasmien na gamitin ang pagkakataon na ito upang maturuan ang kanyang anak na si Ayesha na magluto ng kanilang dinner.

“Kapag ganitong panahon, madalas ang ending natin ay staycation sa bahay. Kaya to brighten up the day, may pa task ako kay Ayesha.”

At dahil tag-ulan na, paniguradong hindi lamang ikaw ang mag-eenjoy sa mga masasabaw na pagkain kundi pati na rin ang kanilang pamilya ay ito rin ang naisipang lutuin.

Sa video ay makikitang tinuruan ng aktres ang kanyang anak na magluto ng Misua Bola-bola with Patola sa Palayok.


Credit: Yasmien Kurdi Youtube Channel

Makikitang kahit first-time pa lamang magluto ni Ayesha, ay kapansin-pansin na ang kagustuhan nitong matuto at matulungan ang kanyang Mommy Yasmien sa pagluluto.

Ayon pa nga sa kanya, ay ito raw ang unang beses na siya ay makakapagluto sa bahay kubo na kanyang tinawag na “forest” dahil sa mapuno na lugar na kanilang tinuluyan.




Credit: Yasmien Kurdi Youtube Channel

“Actually, this is my first-time cooking in a forest.”

Matapos ang cooking time, ay tila successful naman ang kanilang ginawa at naging masarap ang pagkain na niluto na tulad na lamang na ineendorse nilang produkto ay nagbigay ito ng kakaibang magic sa kanilang pagkain.

The post Yasmien Kurdi, tinuruan ang anak na si Ayesha na magluto gamit ang palayok appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments