Buboy Villar, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanyang mga anak sa dating kasintahan na si Angillyn Gorens

Isa ang Kapuso actor na si Buboy Villar sa mga hinahanggang aktor sa industriya ng showbiz. Maliban sa pagiging mahusay na artista, ay pinasok na rin ni Buboy ang mundo ng pagba-vlog at kasalukuyang mayroon na 1.5 million subscribers ang kanyang YT channel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Bukod sa kanyang pagiging isang artista, ay mas lalo pa siyang kinilala ng kanyang mga tagahanga, sa pamamagitan ng kanyang mga vlogs ay dito nakita ng publiko kung gaano kabuti at kahands-on dad ang aktor sa kanyang dalawang anak sa dating partner na si Angillyn Serrano Gorens.

At bilang isang ama, maliban sa mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang mga ito, ay hangad rin ni Buboy na maipagdiwang ang araw ng kapanganakan ng kanyang mga anak.




Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Kaya naman sa panibagong vlog ni Buboy ay isang simple at masayang birthday celebration ang kanyang inihanda para sa kanyang mga anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.

At dahil magkasunod lamang ang araw ng kaarawan nina Vlanz at George ay pinag-isa na lamang nila ang selebrasyon, at ito nga ay kanilang ginawa sa bahay ng mga magulang ni Angillyn.

Sa kaarawan ng dalawa, ay isang mermaid themed cake ang ipinagawa ng aktor kay Vlanz na siyang paborito ng kanyang panganay, at isang sports themed cake naman ang para sa kanyang bunso na si George.


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Simple man ang naging handaan, ngunit masaya naman ang kanilang naging selebrasyon na makikita sa naturang video ang kanilang masayang kantahan. At tila si Vlanz na nakasuot pa ng pang Elsa costume na hango sa Disney movie na Frozen, ay makikita rin ang labis na pag-eenjoy kasabay ang masayang bonding moments nila ni George sa kanilang paglalaro ng bike.

At dahil espesyal ang araw na ito, ay hindi naman maaring mawala sa selebrasyon ang kanilang Mommy Angillyn, na tinawagan mismo ni Buboy para makipag video call sa kanilang mga anak.


Credit: Buboy Villar Youtube Channel

Nagkahiwalay man ang dalawa, in good terms naman ngayon sina Buboy at Angillyn, na ayon pa sa aktor ay lagi daw sila magkausap lalo na pagdating sa kanilang dalawang anak.

Aniya, “Lagi talaga kami nag-uusap ni Angillyn, lalo na kapag nasa mga bata siya. Syempre lagi ako nagsesend sa kaniya ng mga pictures, videos kasi once na kapag hindi ko nagagawa ‘yun, malamang kapag umuwi dito may sabun0t tayo.”

Dagdag pa nya, “Although, we are [in] good terms, sobrang kaibigan ko ‘to si Angillyn at of course lagi rin siya updated sa mga kaganapan ko sa buhay – we are supporting each other.”

Samantala, malaki rin ang naging pasasalamat ni Buboy para sa mga magulang ni Angillyn, na talagang tumut0k at nag-alaga sa kanilang mga anak lalo na ngayong pandemya.




Credit: Buboy Villar Youtube Channel

“Sobrang big credits sa parents ni Angillyn, kasi sila talaga yung mga nag-alaga sa mga bata,” Ani ng aktor.

“Sobrang laki sa pagmamahal itong mga bata na ‘to, sobrang maalaga sila, sobrang salamat kasi sa kabila ng pandemyang ito talagang nandyan sila para suportahan kami.”

The post Buboy Villar, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanyang mga anak sa dating kasintahan na si Angillyn Gorens appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments