Roxanne Barcelo, ibinahagi ang litrato ng kanyang napakacute na anak na si Baby Cinco sa kanyang ika-3 months old celebration

Sa kabila ng lungkot at pinagdadaanang kr!s!s ng bansa, ay nag-uumapaw naman ang saya at ligaya ng singer-actress at first time mom na si Roxanne Barcelo, nang ibahagi niya ang napaka-cute na larawan ng kanyang anak na si Baby Cinco.


Credit: @roxannebarcelo on Instagram

Katulad ng ibang celebrities ngayon, isa na ring happily married si Roxanne sa kanyang asawa na tinatawag niya bilang si “Papa Panda”.

Ang balitang ito ay inanunsyo ng aktres noong Disyembre 25, sa kanyang vlog na pinamagatang “12 Updates for Christmas”. At dito ay ibinalita ni Roxanne ang ‘highlight’ ng kanyang taon, na sya ay nagkaroon na ng bagong nobyo, na-engage at ikinasal.



Hindi man idinetalye ng aktres ang patungkol sa kanyang wedding at hindi man nasilayan ng publiko ang mukha ng kanyang asawa, masayang masaya naman ang aktres nang ibahagi nya na natagpuan niya na ang kaniyang “best gift ever”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)


At tila bukod nga sa pinakamagandang regalo na natanggap, ay dito naman dumating sa kanilang buhay mag-asawa ang munting anghel na si Baby Cinco na isinilang ni Roxanne nito lamang May 22.

Sa pagdating ng kanilang “baby panda”, ay dito na naging mas makulay pa ang kanilang pagsasama bilang isang pamilya. At dito na rin umikot ang oras at atensyon ni Roxanne sa pag-aalaga at pagiging hands-on mom sa kanyang anak.


Credit: @roxannebarcelo on Instagram

Ang pagdating ni Baby Cinco ang marahil naging isang malaking biyaya para sa aktres bukod sa kanyang asawa, dahil matapos ang ilang taon na kanyang paghihintay ay natupad rin ang matagal na niyang dasal.

Kwento ng aktres, “As you all know, I have been waiting for this blessing in my life. And finally, my life has changed incredibly in the past 2 years.”

Para kay Roxanne ang kanyang anak ay ang kanilang “little miracle” ng kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)


Dagdag niya, “He is our little miracle. Our days have been filled with so much joy, learning and discovery. His smiles, hiccups, tears, little fingers, cute toes, sighs, yawns, cuddles, grips and babbles keep us locked in and glued to this ball of energy.”

At ngayon sa ika-3 months ni Baby Cinco ay masayang ibinahagi ni Roxanne sa kanyang Instagram account ang cute na litrato ng kanilang anak.




Credit: @roxannebarcelo on Instagram

Aniya, “3 months strong with Clothy, his favorite friend. #puwerausogpo #lampinlangangkatapat”

Bilang isang ina ay hindi maipaliwanag ni Roxanne ang labis na kasiyahan na ngayon, ay mayroon na rin siyang isang masaya at kumpletong pamilya na puno ng pagmamahalan para sa isa’t-isa.

“My husband and I have been enjoying our new family life and wanted to share how happy we are.” Ani ni Roxanne.

The post Roxanne Barcelo, ibinahagi ang litrato ng kanyang napakacute na anak na si Baby Cinco sa kanyang ika-3 months old celebration appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments