Patrick Garcia, ipinagdiwang ang kanyang ika-40th birthday kasabay ng ika-2 months celebration ng bunsong anak na si Baby Pablo

Nakilala natin si Franz Patrick Velasco Garcia o mas kilala sa kanyang screen name bilang si Patrick Garcia, na isa sa mga mahuhusay na aktor at matinee idol ng kanyang henerasyon. Mula pa man noon hanggang ngayon, ang kanyang kakisigan at kagwapuhan ang isa sa mga naging puhunan ni Patrick bilang isang artista sa industriya ng showbiz.


Credit: @nikkamgarcia on Instagram

Sa kabila ng kanyang kasikatan ay dito naman nakatagpo ng tunay at wagas na pagmamahal ang aktor, sa katauhan ng kanyang pinakamamahal na asawa na si Nikka Martinez. Sa kanilang pagpapakasal noong taong 2015, ay dito rin nabiyayaan ang dalawa sa pagdating ng kanilang mga anak na sina Michelle Celeste “Chelsea”, Nicola Patrice, Francisca Pia, at ang unico hijo nilang si Enrique Pablo.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikka Garcia (@nikkamgarcia)


Ang kanilang maganda at masayang pamilya ngayon ay mas lalo pang sumaya, at ito nga ay dahil sa pagdating ni Baby Pablo nito lamang ika-15 ng Hulyo. Bukod kasi sa nagkaroon na ng lalaking kapatid ang kanilang mga anak, na matagal na ring dasal ng mga ito ay mayroon na ring ka-buddy si Patrick sa kanilang pamilya.


Credit: @nikkamgarcia on Instagram

Kung marami ang namangha sa pagiging mahusay na aktor ni Patrick, ay marami rin naman ang bumilib sa aktor pagdating sa kanyang pagiging isang butihing ama at mapagmahal na asawa sa kanyang pamilya.

Kaya ngayon sa kanyang kaarawan, ay tila mas lalo pang naging espesyal ang araw na ito sa kanyang buhay dahil tila double celebration ang kanilang ipinagdiwang, sa kadahilanang ika-2 months old na rin ni Baby Pablo nito lamang September 15.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikka Garcia (@nikkamgarcia)


At sa kaarawan niyang ito, ay isang masayang family picture naman ang ibinahagi ni Nikka sa kanyang Instagram account kalakip ang sweet birthday message nito para kay Patrick.

Aniya, “Happy 40th birthday to the Love of My life!!! My Baby Daddy! My God’s best! My Home!!! You are the best decision I have ever made you are everything I have prayed for and so much more.”


Credit: @nikkamgarcia on Instagram

Sa litrato ay makikita ang masasayang ngiti sa kanilang mukha, lalo pa si Baby Pablo na tila sa kagustuhan na makisaya at maki-enjoy sa birthday ng kanyang Daddy Patrick ay hindi na niya napigilan ang sariling kaantukan.

Samantala, ay nagbahagi rin ng mensahe si Nikka sa ika-2 months old ng kanilang bunso na si Baby Pablo.




Credit: @nikkamgarcia on Instagram

Mensahe niya, “Happy 2nd month my Baby Boy!!! My sweetheart! My Palangga! My moon! My Beautiful Son! You have brought us all great joy these 2 months! You are the reason why all your 3 ate’s believe in prayers because they prayed for you every single night til the very Day, they found out they would have a baby brother!”

The post Patrick Garcia, ipinagdiwang ang kanyang ika-40th birthday kasabay ng ika-2 months celebration ng bunsong anak na si Baby Pablo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments