Andrea Brillantes, ipinasilip ang laman ng kanyang napakagandang mga designer bags

Maliban sa mga magaganda at mamahaling damit at sapatos na kinahuhumalingan ng ilan sa mga celebrities ngayon, mayroon din naman sa kanila na ang paggamit ng mga mamahaling designer bags ang nagsisilbing kanilang “happy pill”.


Credit: Andrea B. Youtube Channel

Tulad na lamang ng young star na si Andrea Brillantes, na fan rin ng mga mamahaling designer bags at ilan nga sa mga ito ay kaniyang madalas gamitin sa trabaho. Kaya naman sa kanyang latest vlog, ay ipinasilip ng aktres sa mga viewers ang ilan sa mga laman ng kanyang mga mamahaling bags.

Unang ipinakita ni Blythe ang kanyang Louis Vuitton bag, na siyang ayon sa kanya ay ito raw ang kanyang nagsilbing working bag na madalas niyang gamitin sa trabaho.




Credit: Andrea B. Youtube Channel

Aniya, “Meron akong working bag, ‘yun [yung] dinadala ko ‘pag nasa ABS-CBN ako.”

Sa loob ng kanyang mamahaling bag, ay dito ipinasilip ng aktres ang ilan sa mga laman nito tulad na lamang ang face mask, face shield, eyeglass, mini make up kit, mini organizer, power bank, charger, at marami pang iba.

Hindi rin maaaring mawala sa loob ng kanyang bag ang ilan sa mga pagkain at chocolate, na ayon pa mismo sa aktres ay hindi niya kaya umano na walang kinakain sa kanilang trabaho.


Credit: Andrea B. Youtube Channel

“Kasi kapag nasa ABS-CBN ako, minsan nagtatagal kami ‘don and hindi ko kaya mag tagal ng walang nakakain na chocolate,” ani ni Blythe.

Ngunit sa kabila ng kanyang mga personal na gamit na makikita sa kanyang bag, ay nakapukaw naman sa pansin ng kanyang mga fans ang pagkakaroon ni Andrea ng 3 wallet na tinawag niya bilang kanyang “charity wallet”.


Credit: Andrea B. Youtube Channel

Dalawa sa mga wallet niya na ito ay naglalaman ng mga barya, at ang isa naman ay para sa kanyang mga cards at paper bills.

Depensa ni Bylthe, ang wallet niya na ito ay hindi lamang basta lagayan ng kanyang mga barya at pera, kundi ito ay para sa mga less fortunate na madalas niyang masilayan sa daan at kumakatok sa bintana ng kanyang sasakyan upang makahingi ng pera pangkain.

Kwento pa ni Blythe, “iniisip ko na lang na mayroong mga tao na handang mag hintay sa initan, tapos hindi rin sila bubuksan ng mga kotse, ng mga sports car pa nga, [tapos] walang binibigay sa kanila.”

Ayon kay Andrea, ang mga taong kanyang natutulungan ang nagsilbi umanong inspirasyon sa kanya ngayon, upang mas pagbutihin pa sa kanyang trabaho.


Credit: Andrea B. Youtube Channel

Aniya, “sobra kasi akong nafi-feel bad sa mga nasa labas, tapos hindi sila pinapansin ng mga tao, tapos isa sila sa mga inspirasyon ko kapag nahihirapan na ko sa trabaho.”

Dagdag pa niya, “wala gusto ko lang nagbibigay kasi lahat tayo deserve na mabigyan ng love.”




Credit: Andrea B. Youtube Channel

Maliban sa kanyang working bag, ay ipinasilip rin ni Andrea ang laman ng kanyang casual bag, at ang kanyang Prada na mini handbag.

The post Andrea Brillantes, ipinasilip ang laman ng kanyang napakagandang mga designer bags appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments