‘Not My Hands Challenge’ nina Bea Alonzo at Dominic Roque, labis na nagbigay kilig at tuwa sa mga netizens

Sa likod ng kanilang masasayang ngiti at matatamis na tinginan, ay isang nag-uumapaw na pagmamahalan ang mababatid sa masayang pag-iibigan ngayon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Simula ng isapubliko nilang dalawa ang kanilang relasyon, ay dito na rin mas naging bukas sina Bea at Dominic na pag-usapan at ibahagi sa publiko ang kanilang pagmamahalan.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

At dahil malaya na nga ang dalawa na ipagsigawan sa mundo ang kanilang labis na pagmamahal sa isa’t-isa, ay isang nakakatawa at nakakakilig na video naman ang hatid nina Bea at Dominic para sa kanilang mga fans.

Sa panibagong vlog ng aktres na mapapanood sa kanyang YouTube channel, ay dito gumawa ang dalawa ng isang challenge na kung saan ay tinatawag na “Not My Hands Challenge”.




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Dito ay makikita sina Bea at Dominic na magluluto ng French toast, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi nila sariling mga kamay ang gagamitin sa pagluluto kundi kamay ng kanilang kapareha.

Tila mas pabor nga ang challenge na ito para kay Bea, dahil kitang-kita naman sa kanyang mga vlogs ang madalas na pagluluto nito sa kanilang kusina na siyang kabaliktaran naman nito ang aktor.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

“Lagi lang ako assistant sa kitchen, pero hindi talaga ako nagluluto.” Ani ni Dominic.

Sa pagsisimula ng kanilang naturang challenge ay naunang sumabak si Bea, at ang nagsilbing kamay nito sa pagluluto ay ang mga kamay ng aktor, na makikita pa lamang ang panaka-nakang reklamo nito sa likuran dahil sa mga munting pagkilos ng kanyang kasintahan.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Tila nakakatuwa naman talagang panoorin ang dalawa, dahil makikita na sa pagka-crack pa lamang ni Dominic ng mga itlog sa bowl ay matatawa ka na sa mga batuhang salita at reaksyon ni Bea sa mga kilos ng aktor.

Aniya, “Ops! Nagkaroon ng shell dun sa bowl, so I will properly get it.”


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

“No, no! Hindi ko ‘yan ginagawa,” dagdag pa niya.

Kapansin-pansin na habang nag-eenjoy si Bea sa kanilang challenge ay tila makikita naman ang nahihirapan at nangangalay na si Dominic, ngunit kahit nahihirapan ay go na go pa rin ito na matapos ang kanyang turn.

Ayon kay Bea, “This is so fun talaga.”

Sa kasagsagan ng kanilang pagluluto ay matatawa ka naman sa mga naging kilos ng aktor, lalo na ang paghahagis nito ng tinapay papunta sa pan na paglulutuan nito.

Tila ang natatawang reaksyon ng aktres, ay wala na ngang choice kundi ipagpatuloy pa rin ang kanilang sinimulan.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Aniya, “There talaga, ganyan ako magluto kasi talagang gusto ko may excitement.”

Ngunit sa kanilang pagluluto, ay biglang napaso ang daliri ni Dominic nang subukan nitong isara ang kalan, na siyang natatawang paglilinaw ni Bea na, “Hindi kami mag-aaway dito.”




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Tunay ngang hindi ka lamang matatawa sa challenge na kanilang ginawa, ngunit kikiligin ka rin dahil talaga nga namang makikita sa kanilang mga ngiti at mukha ang pagiging masaya at maligaya sa isa’t-isa.

The post ‘Not My Hands Challenge’ nina Bea Alonzo at Dominic Roque, labis na nagbigay kilig at tuwa sa mga netizens appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments