Dianne Medina, sinorpresa ang asawang si Rodjun Cruz ng mga napakagandang gadgets para sa kanyang nalalapit na kaarawan

Bago pa man sumabak at umalis patungong lock-in taping ang aktor na si Rodjun Cruz, ay isang munting sorpresa naman ang inihanda ng kanyang asawa na si Dianne Medina at kanilang napaka-cute at poging baby boy na si Baby Joaquin Ilustre.


Credit: @rodjuncruz on Instagram

Nakatakdang umalis si Rodjun para sa kanyang gagawing trabaho, at dahil nalalapit na rin ang kanyang kaarawan ay isang munting sopresa ang inihanda ng kanyang asawa at anak para sa kanya.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)


Sa litratong ibinahagi ni Dianne sa kanyang Instagram account ay makikitang naghanda ito ng simpleng handaan para sa kanilang pamilya.

At kahit ito ay isang simpleng handaan lamang, talaga nga namang makikita ang pagiging malambing ni Dianne sa kanyang asawa.


Credit: dianne_medina on Instagram

Tila hindi lamang diyan natatapos ang kanyang sorpresa para sa aktor, dahil makikita rin na binigyan niya ito ng isang Ipad Pro at magic keyboard na tiyak na magagamit nito sa kanyang trabaho.


Sa kanyang inilagay na caption, “Surprise!!!! Advance Happy Birthday my husband @rodjuncruz”.

Ayon kay Dianne, sa October 10 pa umano ang kaarawan ni Rodjun, ngunit dahil nakatakda itong umalis para sa lock-in taping, at hindi nila ito makakasama sa mismong birthday nito kaya naman mas pinaaga nila ang naturang selebrasyon.


Credit: dianne_medina on Instagram

Aniya, “Oct 10 pa talaga birthday niya kaya lang mag lock-in taping na siya hindi kami magkakasama sa birthday niya since nasa bubble taping siya. Surprise gift from me and baby Joaquin. We love you Daddy @rodjuncruz”

Sa natanggap na regalo na ito ni Rodjun ay makikita ang labis na tuwa sa mukha ng aktor, at pinasalamatan ang kanyang asawa at anak sa inihanda nilang sorpresa para sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)


“Sweet naman ng wife wife ko! Thank you @dianne_medina sa advance birthday gift mo sakin. Talagang magagamit ko ito sa Lock-in Taping!” ani ni Rodjun.




Credit: @rodjuncruz on Instagram

Dagdag pa niya, “Yehey! Sobrang happy ako sa gift niyo. Thank you wife wife @dianne_medina & my son @babyjoaquinilustre! Love you both so much!”.

The post Dianne Medina, sinorpresa ang asawang si Rodjun Cruz ng mga napakagandang gadgets para sa kanyang nalalapit na kaarawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments