Francine Diaz, masayang ipinasilip ang tinutuluyang kwarto sa habang nasa lock-in taping

Si Francine Carrel Saenz Diaz o mas nakilala bilang si Francine Diaz, ay isa sa mga teen star na hinahangaan ngayon sa industriya ng showbiz, dahil sa kanyang natural na ganda at pagiging isang mahusay na artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Mas lalong kinilala at tinangkilik ang talento ng aktres, ng siya ay mapabilang sa TV hit series ng Kapamilya network na “Kadenang Ginto” at gampanan ang karakter na si Cassandra “Cassie” Mondragon.

Nakasama nya sa naturang teleserye ang ilan rin sa mga kilalang teen stars na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at ang kaniyang ka-loveteam na si Kyle Echarri.




Credit: @francinesdiaz on Instagram

Malaki ang naging pasasalamat ni Francine sa lahat ng mga natanggap niyang biyaya ngayon, kasama na rito ang nag uumapaw na pagmamahal at suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga tagahanga.

Kaya naman hindi nakakapagtaka na nag uumupaw rin ang kanyang mga natatanggap na biyaya, at isa na nga rito ang kanyang bagong proyekto na ginagawa ngayon kasama pa rin ang kanyang “Gold Squad” sa primetime series na “Huwag Kang Mangamba”.


Credit: Francine Diaz Youtube Channel

At dahil kasalukuyang on-going ang kanilang teleserye, ay masaya namang ipinasilip ni Francine sa publiko ang kwarto na kaniyang ginagamit sa kanilang naturang lock-in taping.

Sa panibagong vlog ng aktres, ay ipinasilip nito ang kanyang lock-in taping room na kung saan ay kasama niya sa kwarto ang kanyang ina.


Credit: Francine Diaz Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa room, ay makikita na ang ilan sa mga kagamitan ni Francine hindi lamang sa trabaho, kundi pati na rin ang kanyang mga pangangailangan sa araw-araw.

Tulad na lamang ang water bottles, mini washing machine at trolly na naglalaman ng kanyang mga madalas gamitin sa set ang ilan sa kanyang mga mini fans, mini cabinet at face sh!eld.

Sunod rin na ipinakita ni Francine ang kanyang make-up area at katabi nito ang isang lamesa, na kanilang ginagamit bilang kainan at paminsang ginagamit rin ng aktres sa kanyang pag-o-online class.


Credit: Francine Diaz Youtube Channel

Bukod pa diyan ay ipinasilip rin ni Francine ang kanyang ginagamit na kama sa kanilang room, ang sariling folding bed na kung saan ay ito lamang ang hinihigaan niya dahil hindi siya umano komportable at nakakatulog sa ibang kama.

Aniya, “Nagdala talaga ko ng folding bed ko, kasi hindi ako sanay humiga ng hindi ko kama. Hindi ako nakakatulog ng payapa.”




Credit: Francine Diaz Youtube Channel

Sa magkabilang bahagi ng kanyang kama ay dito rin makikita ang 2 bed na hinihigaan ng kanyang Mommy, at ang isa ay ginagagamit naman ni Francine para sa kanyang online classes.

Magmula naman sa kanilang balcony ay matatanaw mula sa kanilang room, ang isang swimming pool at ang kanilang mga katabing silid.

The post Francine Diaz, masayang ipinasilip ang tinutuluyang kwarto sa habang nasa lock-in taping appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments