Vin Abrenica at Sophie Albert, ibinahagi ang mga naging kaganapan sa binyag ng kanilang napakacute na anak na si baby Avianna

Ilang buwan matapos isilang ang kanilang panganay na anak, ngayon ay pinabinyagan na ito ng mag-fiance na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


Kinilala si Vin bilang isang mahusay na aktor sa industriya ng showbiz, samantalang si Sophie naman ay isa ring mahusay na aktres, modelo at endorser.


Credit: @itssophiealbert on Instagram

Disyembre taong 2020, nang ianunsyo ng dalawa ang kanilang masaya at romatikong engagement, na ginanap mismo sa beach house nina Sophie sa Batangas.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sophie Albert (@itssophiealbert)


Halos ilang buwan na rin ang nakalipas matapos isilang ng aktres ang kanilang six-month-old baby girl noong March 15 via cesarean delivery, na pinangalanan nilang si Avianna Celeste.

Hindi maitatanggi na sa pagdating ni Baby Avianna, ang isa sa mga pinakamasaya at hindi malilimutang araw sa kanilang buhay, na nagbigay kasiyahan at kulay sa kanilang pagsasama ngayon.


Credit: Vin & Sophie Youtube Channel

At sa paglipas nga ng panahon ay nakapagpatayo na rin sina Vin at Sophie ng kanilang sariling bahay kaya naman ng matapos ito, ay ngayon naman ang nakatakdang araw para sa binyag ng napaka cute na si Baby Avianna.

Sa litratong ibinahagi ni Sophie sa kanyang Instagram, ay makikita ang masayang litrato nilang pamilya, na kung saan ay kuha ito sa naging binyag ng kanilang anak.

Naganap ang naturang binyag kay Baby Avianna nito lamang September 14, 2021, na dinaluhan ng ilan sa kanilang mga mahal sa buhay kabilang na rito ang kapatid na aktor ni Vin na si Aljur Abrenica at panganay na anak nito na si Alas.




Credit: Vin & Sophie Youtube Channel

Ayon kay Sophie ay matagal na umanong nakaplano ang binyag na ito ng kanilang anak, ngunit dahil sa ilang beses na nasailalim ang Metro Manila sa MECQ, ay ngayon pa lamang sila nakahanap ng perfect date para sa binyag.

Aniya, “After getting rescheduled so many times, we were finally able to have Avianna baptized! As much as we wanted all her godparents to be present, we had to keep our gathering very intimate for everyone’s safety. We were happy that we were able to introduce Avianna to more family members this time around.”

Kalakip ng mga larawang ibinahagi ng aktres, ay makikita rin ang kanilang pamilya at masayang selebrasyon na siyang ginanap naman sa kanilang tahanan.

Makikita rito ang ilan sa mga pagkain na kanilang pinagsaluhan, kabilang na rin ang ilan sa mga giveaways na magnets na kanilang ibinigay sa mga bisita.

The post Vin Abrenica at Sophie Albert, ibinahagi ang mga naging kaganapan sa binyag ng kanilang napakacute na anak na si baby Avianna appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments