Sheena Halili, ibinahagi ang mga cute na larawan ng kanyang baby girl na si baby Martina na kuha sa kanyang 9months celebration

Ang 34 na taon gulang na aktres na si Sheena Yvette Castro Halili-Manzanero o mas kilala bilang si Sheena Halili, ay isa sa mga Filipina celebrity na nagpamalas ng kakaibang husay at galing pagdating sa pag-arte.

Simula ng kanyang gampanan ang role bilang si Monica sa Kapuso drama series na Marimar noong taong 2007, ay dito na mas nasubaybayan pa ang buhay ng aktres lalo na pagdating sa usapin ng pag-ibig.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

November 2017 nga nang isapubliko ni Sheena ang patungkol sa kanilang pag-iibigan, ng non-showbiz boyfriend na si Jeron Uy Manzanero na isang abogado. At makalipas ng dalawang taon ay dito na naisipan ng dalawa, na dalhin ang kanilang relasyon patungo sa pagiging mag-asawa.

Kaya naman noong February 23, 2020, ay naganap ang kanilang star studded wedding sa The Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City na dinaluhan ng ilan sa mga bigating personalidad sa showbiz.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Bunga ng kanilang pag-iibigan at masayang pagmamahalan ang siyang pagdating naman ng malaking biyaya sa kanilang buhay mag-asawa, ang pagdating ng kanilang panganay na si Baby Martina noong December 12, 2020.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagiging creative sa maraming bagay, lalo na kung ang paghahandaan ay bawat “milestone” ng ating mga anak. Kaya kahit sanggol pa lamang, ay makikita na ang pagiging hands-on ng mga magulang lalo na sa buwanang kaarawan ng mga ito.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

At isa na diyan si Sheena na sa bawat buwan na dumarating, ay hindi maaaring hindi maging bongga at maganda, ang kalalabasan ng bawat monthly celebration ni Baby Martina.

Kung kamakailan ay isang simpleng selebrasyon lamang ang naihanda ng aktres para sa mismong araw ng ika-9 months ng kanyang anak, ngayon ay makikitang bumawi naman ito at natuloy na ang bonggang monthly photosh0ot ni Baby Martina.


Kung sa ika-8th months ay nakapangbihis bilang si Mulan ang napaka cute na si Baby Martina, ngayon naman ay makikita ang mga bonggang kuha nito matapos magbihis bilang si Princess Tiana, na hango mula sa musical fantasy comedy film na ‘The Princess and the Frog’.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Sa mga litratong ibinahagi ni Sheena sa kanyang Instagram, ay makikita ang napaka-cute na si Baby Martina na nakasuot ng Princess Tiana costume, na siyang labis naman na kinaaliwan ng kanilang mga fans.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

Tunay ngang hindi naman basehan ang simple at magarbong selebrasyon, upang maipagdiwang ang milestone na ito sa buhay ng mga anak. Dahil ang nag-uumapaw na pagmamahal at walang humpay na pag-aalaga, ay sapat ng regalo sa isang espesyal na kaarawan tulad nito.

The post Sheena Halili, ibinahagi ang mga cute na larawan ng kanyang baby girl na si baby Martina na kuha sa kanyang 9months celebration appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments