Sarah Lahbati at Bela Padilla, masayang nagbonding sa Switzerland matapos ang halos dalawang taong hindi pagkikita

Makalipas ang halos dalawang taon ng hindi nagkita at nagkasama ang magkaibigang sina Sarah Lahbati at Bela Padilla, ay sa wakas nagkita na muli ang dalawa at masayang nagbonding ang sa Geneva, Switzerland.


Credit: @bela on Instagram

Matatandaang lumipad patungong Switzerland si Sarah kasama ang kanyang ina na si Esther, at mga anak na sina Zion at Kai upang mabisita at makasama ang ama ng aktres. At makalipas nga ng ilang araw, ay siyang pagsunod rin ng asawa ni Sarah na si Richard Gutierrez sa kanilang masayang bakasyon.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Samantala, ay napabalita rin naman ang paglipad ni Bela patungong Italy, upang makasama naman ang Swiss boyfriend nito na si Norman Ben Bay. At kasabay ng kanyang paglilibot sa mga magagandang pasyalan sa Europe, ay siyang paglipad rin ng aktres sa Switzerland para mabisita ang kanyang mga kaibigan, at isa na rito ang pakikipag-bonding kay Sarah.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Sa kanilang magkahiwalay na Instagram account ay nagbahagi ang dalawang magkaibigan ng kanilang litrato na magkasamang namasyal sa hometown ni Sarah sa Geneva.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Bukod sa kanilang masayang kwentuhan, ay tila’y naging tour guide rin ni Bela si Sarah at ayon pa sa kanya sila ay nag “fillet de perche, some harry styles convos, geneva old town and a dip in the lake.”


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Sa loob ng higit sa sampung taon na pagkakaibigan nina Sarah at Bela, ay makikita ang tuwa at saya sa mukha ng dalawang magkaibigan na ngayon ay labis na nasulit ang kanilang oras at panahon na nakasama ang isa’t-isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)


“More than ten years of friendship with you and many many more decades ahead of us ❤ thank you for touring me around your hometown, Geneva! Love you, Sammy! 🥰

Bukod kay Sarah ay makikita rin na masayang nakipag-bonding si Bela sa mga anak nito na sina Zion at Kai.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)


“Appreciation post for two of the nicest, most well behaved but still fun loving kids ❤🥰 I miss you two and our search for french fries and kelp diving adventures already, Zion and Kai! Great job on these two @sarahlahbati and @richardgutz 💯💯💯

The post Sarah Lahbati at Bela Padilla, masayang nagbonding sa Switzerland matapos ang halos dalawang taong hindi pagkikita appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments