Andi Eigenmann, ipinasilip ang kanilang masaya at simpleng buhay sa isla at ang masayang pagbisita doon ng kanyang kapatid na si Stevie Eigenmann

Ang pagpasok sa showbiz ang isa sa mga tiyak na dahilan ng ilan sa mga celebrities, upang magkaroon ng magandang buhay para sa kanilang pamilya. Tunay nga namang sa pag-aartista ay makakaipon ka at makakapagpundar ng bahay at lupa, mga magagarang damit, sapatos at pati na rin ang iyong pinapangarap na sasakyan ay iyong makakamit.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Kaya naman ang ilan sa mga celebrities ay todo kayod sa trabaho, sipag at tiyaga ang kanilang puhunan upang magkaroon ng magandang buhay. Ngunit kung iisipin ay karamihan rin sa mga celebrities ang ninais na lumayo sa mundong kanilang nakagisnana, at piliing mamuhay ng simple at payapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Isa sa magandang halimbawa nito ay ang aktres na si Andi Eigenmann na piniling manirahan sa isla na kung saan malayo sa siyudad na kanyang nakagisnan. Sa paninirahan ni Andi sa Isla ng Siargao ay dito nagsimulang makatagpo ng tunay na pagmamahal, at dito na rin bumuo ng isang masayang pamilya ang aktres, kasama ang kanyang fiancé na isang surfer champion na si Philmar Alipayo.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Sa napiling landas na ito ni Andi, ay nagsilbing inspirasyon ang aktres lalo na sa kanyang mga fans na nakaantabay at sumusubaybay sa kanyang mga vlogs sa YT channel ng kanyang pamilya, ang “Happy Islanders”.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Mapapanood sa panibagong vlog na inilabas ng aktres ay makikita ang kanilang simpleng pamumuhay, magmula sa masayang bonding time nina Andi kasama ang kanilang mga anak ni Philmar na sina Ellie, Lilo at Baby Koa. At ang masayang pangingisda ni Philmar, ang pagiging supportive mother ni Andi sa surfing lesson nina Lilo at Ellie, at ang bagong pinagkakaabalahan ngayon ng aktres ang kanyang boxing lesson.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Hindi rin nakal!gtas sa paningin ng manonood ang pagiging independent Ate ni Ellie. Habang busy sa pag-aalaga si Andi sa bunsong anak na si Baby Koa, ay siya namang makikita na talagang maasahan ang kanyang panganay na si Ellie, matapos nitong paglutuan ng breakfast ang kapatid na si Lilo.

Nagkaroon rin ng masayang kwentuhan at bonding time ang aktres kasama ang kanyang younger sister na si Stevie Eigenmann, na bumisita sa isla kasama ang mga kaibigan nito.




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Tunay nga na ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay ay hindi nakabase sa kahit na anong materyal na bagay, at sa dami ng pera na iyong naipundar. Kundi ang simpleng buhay kasama ang pamilya ay sapat ng dahilan upang magkaroon ng isang masaya at masaganang pamumuhay.

The post Andi Eigenmann, ipinasilip ang kanilang masaya at simpleng buhay sa isla at ang masayang pagbisita doon ng kanyang kapatid na si Stevie Eigenmann appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments