Yassi Pressman, ipinasilip ang mga bagong ganap sa kanyang ipinapatayong dream house

Si Yasmin Isabel Pressman o mas kilala bilang si Yassi ay isa sa mga may magagandang mukha sa industriya ng showbiz, na hinahangaan dahil sa kanyang natural na ganda at husay pagdating sa pag-arte. Nang simulan pasukin ni Yassi ang mundo ng showbiz, ay kanyang pinatunayan sa madla na hindi lamang siya magaling sa pag-arte kundi pati na rin sa pagkanta at pagsayaw.


Credit: @yassipressman on Instagram

At ng mapabilang sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ay dito na mas lalo pang nakilala ang aktres ng gampanan niya ang role bilang Alyana, na kung saan ay nakatambal niya rito ang mahusay na aktor na si Coco Martin, na gumanap naman bilang si Cardo Dalisay. Sa halos ilang taon na simulang umere ang teleseryeng ito ng aktres, ay dito na binuhos ni Yassi ang kanyang oras at panahon upang mapabuti ang kanyang trabaho.




Credit: @yassipressman on Instagram

Kaya naman ng siya ay mamaalam sa naturang teleserye, ay marami sa kanyang mga fans ang nalungkot at ang iba naman ay natuwa para sa successful role na ginampanan ng aktres. Ganunpaman, ay naging abala naman ngayon si Yassi sa bahay na kanyang ipinapagawa, at mas pinagtuunang pansin ang mga bagong kaganapan sa kanyang bahay.


Credit: @yassipressman on Instagram

Kamakailan nga ay pasimpleng ipinasilip ng aktres ang bagong ganap sa bahay na kanyang ipinapatayo. At makikita sa larawang ibinahagi ni Yassi ang isang under construction site, na kung saan mula sa larawang ibinahagi nya noon ay unti-unti ng natatapos sa paggawa ang kanyang bahay.

Hindi mapaglaygan ang tuwa ni Yassi ng mapagmasdan na unti-unti na nyang nasisilayan ang kabuuan ng kanyang dream house na siyang ipinatayo nya para sa kanila ng kanyang pamilya.


Credit: @yassipressman on Instagram

Katuwang ang kapatid na si Issa Pressman, ay parehas nilang tinutupad magkapatid ang dream house na ito hindi lamang para sa kanilang dalawa, kundi kanila ring inialay ang lahat ng ito sa kanilang ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Hindi man nasilayan ng ama nina Yassi at Issa ang pagtatapos ng bahay na kanilang ipinapagawa, ay hangad pa rin ng aktres na maging proud ang kanilang ama sa achievement na ito na kanilang nakamit magkapatid.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


“Worked hard to give you this Dad… wish you were still here to see. But i know you’re always watching, I still want to try to make you proud when you look down… Love u five-ever.”

The post Yassi Pressman, ipinasilip ang mga bagong ganap sa kanyang ipinapatayong dream house appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments