Lucy Torres-Gomez, ibinahagi ang kanyang hilig sa mga bulaklak at ipinakita kung paano nya inaayos ang mga ito sa kanyang mga flower vases

Nang magsimula ang pandemya sa bansa ay karamihan sa atin ang naging punong-abala at umisip ng mga libangan, upang maibsan at malabanan ang pagka-bored sa loob ng tahanan. Karamihan sa atin ay pinasok na ang pagiging isang plantito at plantita, ang iba naman ay nagsimula na ring pasukin ang pag-oonline business para makatulong sa pang araw-araw na gastusin ng pamilya.


Credit: Love Lucy Youtube Channel

Isa na nga sa mga naging punong-abala sa kabila ng pandemyang ito ay ang celebrity mom at ngayo’y Congresswoman ng 4th district ng Leyte na si Lucy Torres-Gomez. Naging abala man si Lucy at ang kanyang asawa na si Richard Gomez sa pamamahala at pagbibigay-serbisyo sa mga tao sa Ormoc City, ay labis naman nilang na-enjoy ang pamumuhay sa probinsya.




Credit: @lucytgomez on Instagram

Kung ang Mayor ng Ormoc City na si Richard ay naging abala at nagpakitang gilas sa hilig nito sa pagluluto sa kanyang online cooking show na “Goma At Home”, ay siya namang ikina busy rin ni Lucy pagdating sa mga gawaing bahay.

Maliban sa pananahi ng mga punda at unan na siyang minsang ibinahagi ni Lucy sa kanyang Instagram, ay naging abala rin ang celebrity mom pagdating sa pag-renovate ng kanilang mga kwarto at paggawa ng sariling bahay para sa kanilang mga alagang hayop.


Credit: Love Lucy Youtube Channel

At ngayon ay mas lalo pang hinangaan si Lucy, lalo na sa kanyang natural na ganda ay ang pagkahilig rin niya pagdating sa mga bulaklak tulad ng mga rosas.

Tulad ni Richard na isa ng vlogger ngayon, ay pinasok na rin ni Lucy ang pagba-vlog at ibinahagi nya sa kanyang YT channel na “Love Lucy”, kung paano niya inaayos ang mga binibiling bulaklak sa kanyang mga vases.


Credit: Love Lucy Youtube Channel

“I always like fresh flowers around the house, and since the lockdown last year it has been a habit to buy flowers weekly. I think it adds to everyone’s daily joy.”

Katulad ng ilang mga kababaihan ay hilig rin ni Lucy ang mga bulaklak, kaya naman sa kahit anong okasyon ay masayang-masaya ang celebrity mom na inilalagay ito at inaayos sa kanyang mga flower vases.


Credit: Love Lucy Youtube Channel

“I really like untangling bouquet and if I get mga, I don’t take it for granted like sometimes birthday you have so many flowers, I love it.”

“Because then, I just have more vases around the house, more flowers around the house, it’s such a happy thing. Doesn’t last forever, but while it’s there, its nakaka-happy.”

Lalo pa at kung ang kanyang mga flower vases ay hindi lamang basta vase, dahil ilan sa mga ito ay nagsilbing gamit rin sa loob ng kanilang tahanan. Tulad ng nabasag niyang tea pot, na siyang ginawa na lamang nyang vase para hindi ito masayang.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez)


Talaga nga namang nakakaganda sa loob ng bahay ang mga fresh flowers, na kahit ang buhay nito ay hindi pang matagalan, pero ang saya na naibibigay nito ay wagas at pang habang buhay.

The post Lucy Torres-Gomez, ibinahagi ang kanyang hilig sa mga bulaklak at ipinakita kung paano nya inaayos ang mga ito sa kanyang mga flower vases appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments