Ryza Cenon, gumawa ng isang cute na cute na DIY car para sa anak na si Baby Night

Isa ang aktres na si Ryza Cenon sa mga hinahangaang artista sa industriya ng showbiz, dahil sa kanyang husay sa pag-arte at galing sa pagdadala ng iba’t-ibang roles sa kanyang mga ginagampanang karakter mapa pelikula man o teleserye. Kaya hindi maikakaila na isa si Ryza sa mga kilala at patuloy na sinusubaybayang artista ngayon ng madla.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

At sa kabila ng pagiging isang aktres, si Ryza ay hinangaan rin sa kanyang pagiging hands-on mom sa kanyang gwapong anak na si Baby Night. Saksi ang mga fans sa pagiging hands-on mom ng aktres simula pa lamang ng maisilang niya ito noong October 31 ng nakaraang taon.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Katuwang ni Ryza sa pagpapalaki at pag-aalaga kay Baby Night ang kanyang non-showbiz boyfriend na isang cinematographer na si Miguel Antonio Cruz. At sa pagdating ni baby Night sa buhay ng aktres, ay dito na rin umikot ang mundo ni Ryza sa pag-aalaga sa kanyang anak at masulit ang bawat oras na sila nakakapag-bonding mag-ina.

Ngayon naman ay balik na rin sa pag-eehersisyo si Ryza upang maibalik ang dating mas magandang pangangatawan. At sino ang mag-aakala na ang kanyang workout buddy ay ang kanyang anak na si Baby Night, na siyang makikitang kasa-kasama nya ito sa kanyang pagte-treadmill.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Tunay ngang sa kahit na ano pang ginagawa ng aktres ay hindi maaaring hindi kasama ang kanyang anak na siyang kinabiliban ng kanyang mga fans. Ngunit mas lalo pang napabilip ang kanyang mga tagahanga, ng gumawa si Ryza ng isang DIY toy car para kay Baby Night.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa Instagram post ni Ryza ay makikita ang kanyang naka timelapse na bidyo at mapapansing busy ang aktres habang pinipinturahan ang kanyang ginawang DIY toy car na gawa mismo sa karton. At makikita na bath chair naman ang ginamit ng aktres, upang magsisilbing upuan ng kanyang anak.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa inilagay na caption ni Ryza ay in-encourage niya ang kanyang mga fans na mag-recycle rin ng mga karton, na maaaring gamitin pa upang hindi ito masayang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


“Pretend Car, kung marami kayong box sa bahay kesa itapon. Pwede nyong gawin to para sa anak nyo.😉☺

Dahil sa nakakabilib na ginawang ito ni Ryza, ay bumuhos ng komento at papuri ang kanyang natanggap sa mga fans at hinangaan ang kanyang DIY car para kay Baby Night.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

“Nice one mama❤ 🙌

“You’re very creative. Cool 👏👏

“This is great!!! 👏👏👏❤

The post Ryza Cenon, gumawa ng isang cute na cute na DIY car para sa anak na si Baby Night appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments