Andi Eigenmann, nagbahagi ng isang nakaka-antig na mensahe para sa ika-2nd birthday ng kanyang anak na si Lilo

Sa kanyang murang edad ay marami ng netizens ang sa kanya ay aliw na aliw at hindi maikakaila na sa kanyang taglay na pagiging bibo at makulit, ay siyang katumbas naman na saya ang kanyang hatid sa mga fans. Ganiyan nga mailalarawan ang ikalawang anak ng aktres na si Andi Eigenmann na si Lilo, na kanyang anak sa fiancé na isang napakagaling na surfer na si Philmar Alipayo.

Mapa video at larawan ay talaga namang ang kanyang taglay na ka-cute-an ay talaga namang pinanggigilan, lalo na at ang kanyang itinatagong kakulitan sa kabila ng mala inosenteng mga ngiti ay siyang inaabangan ng karamihan.

At sa kabila ng pagiging bibo ni Lilo, ay hindi rin maitatanggi ang pagiging malambing at sweet na kapatid nito sa kanyang mga kapatid, ang kanyang ate na si Ellie at bunsong kapatid naman na si Baby Koa. Tunay ngang napakalaking biyaya ang natanggap ni Andi sa pagdating ng kanyang mga anak, lalo na si Lilo na napaka-sweet sa kanyang mga kapatid.



Matatandaang sa pagdating ni Baby Koa ay siyang naging ganap na Ate na rin si Lilo. At patunay lamang na kahit siya ay maliit pa lamang ay makikita na ang pagiging mapagmahal na Ate sa kanyang mga kapatid.

Kaya naman ngayon sa kanyang kaarawan, ay isang taos pusong mensahe ang ipinaabot ni Andi sa ika-2nd birthday ng kanyang anak na si Lilo. Sa Instagram post ng aktres ay makikita ang mga larawan ni Lilo, noong siya ay baby pa lamang at ilan sa mga litrato na sila ay magkasama nina Andi at Philmar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Aniya, “Our spunky, fun loving, super adorable little ball of energy is now 2. HAPPY BIRTHDAY LILO!”

Tulad nina Ellie at Baby Koa, ay malaki rin ang naging pasasalamat ni Andi sa pagdating ng kanyang anak na si Lilo at sa pagiging mabuti, mapagmahal at sweet na anak at kapatid nito sa kanila.

“Everyday with you by my side, seeing you grow into suuch a brave, sweet and wonderful girl, is a reminder of how truly blessed I am to have you in my life. I am always so thankful for you. Our wonderful gift! You make life so much more worthwile, and so much brighter! Keep shining my little one! Keep being YOU! We love you so so much.”



Ngayon na dalawang taong gulang na si Lilo, ay ating patuloy na subaybayan ang bibo at napaka-cute na island girl ng Siargao na si Lilo.

The post Andi Eigenmann, nagbahagi ng isang nakaka-antig na mensahe para sa ika-2nd birthday ng kanyang anak na si Lilo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments