Anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna, kinagiliwan ng mga netizens sa kanyang cute na cute na weather report

Sa bawat talentong naipapamalas ng mga anak ang siya namang kaakibat na suporta at paghanga ang nakukuha mula sa kanilang mga magulang. Patunay lamang na bago ka pilahan at hangaan ng karamihan, ang iyong mga magulang ang siyang laging una sa listahan.




Credit: @ryan_agoncillo on Instagram

Kaya naman sa kahit anong talento at pangarap ng anak, ay siya ring pag-abot ng kanilang suporta at pagmamahal sa abot ng kanilang makakaya. Ganiyan mailalarawan ang magandang anak nina Judy Ann “Juday” Santos at Ryan Agoncillo na si Juana Luisa o Luna, matapos ipamalas nito ang kanyang talento.

Makikita sa video na ibinahagi ni Ryan sa kanyang Instagram account kung gaano ka-cute at kahusay ang 5 taong gulang na si Luna. At hindi maikakaila ang taglay nitong ka-cute-an matapos mag-viral ang kanyang video na ito, na kung saan siya ay nagmistulang isang weather reporter.


Credit: @ryan_agoncillo on Instagram

“Welcome to news, news, news, a weather report. Today is windy, cloudy, and sunny which is perfect for sailing for Daddy Ryan. Have a beautiful day!”

Sa video ay mapapansin rin ang kanyang pakindat-kindat na ginawa bago matapos ang kanyang ulat. At mayroon pang pa change location, na labis namang ikinatuwa ng kanilang mga fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)


“this weekends weather report is brought to you by our talking doll. may change location pa😂
#lunniebunny”


Credit: @ryan_agoncillo on Instagram

Kabilang sa mga nagbahagi ng kanilang komento sa ka-cute-an ni Luna ay ang ilang mga celebrities tulad na lamang nina Charlene Gonzales, Rocco Nacino, Camille Prats, Jericho Rosales. At syempre hindi rin magpapahuli ang sikat na weather anchor na si Kuya Kim Atienza, na nagbigay rin ng kanyang komento at sinabing, “awwwww she can take on my job!”




Credit: @ryan_agoncillo on Instagram

Sa kabila ng pagiging proud parents nina Juday at Ryan sa kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna, ay sila rin ang nagsilbing inspirasyon ng mag-asawa. Lalo na ngayon na sa kabila ng kanilang pagiging abala sa trabaho at negosyo ay nagkakaroon pa rin sila ng oras at panahon para maka-bonding ang kanilang mga anak.

Kasalukuyang mapapanood ngayon si Ryan bilang isa sa mga host ng noontime variety show na Eat Bulaga sa GMA Kapuso at si Juday naman ay punong abala din sa kanilang negosyo.

The post Anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna, kinagiliwan ng mga netizens sa kanyang cute na cute na weather report appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments