Pauleen Luna, nagbahagi ng isang nakakaantig na mensahe para sa asawang si Vic Sotto na labis na nagpakilig sa kanilang mga tagahanga

At dahil panahon na ng tag-ulan, damang-dama na ang lamig ng simoy ng hangin, at karamihan sa atin ay doble-doble na rin ang mga suot na damit upang maibsan ang panginginig sa maulang panahon mapa umaga man o gabi.

Ngunit sa kabila ng malamig na simoy ng hangin ay siya namang kabaliktaran ng nag-aalab na pagmamahalan ng celebrity mom, na si Pauleen Luna Sotto at ang kanyang asawa na si Bossing Vic Sotto.


Matatandaang January 30, taong 2016 ang pinaka-inaabangan ng lahat nang mag-isang dibdib sina Pauleen at Vic sa St. James The Great Parish Church sa Alabang. At makalipas ang halos higit sa isang taon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan, sa pagdating ng kanilang napaka-cute at bibong anak na si Baby Talitha o si Tali.


Sa pagdating ni Tali sa buhay nilang mag-asawa ay mas lalong tumibay ang kanilang relasyon at samahan. Sa kabila man ng pagiging busy ni Vic sa pagho-host sa noontime show na Eat Bulaga, ay magkasamang pa rin sila ni Pauleen sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang anak.



Kaya naman hindi maitatanggi na sa kabila ng mga natatanggap nilang negatibong komento mula sa iba patungkol sa kanilang pagiging mag-asawa, ay hindi ito naging hadlang sa celebrity couple na maiparamdam ang kanilang labis na pagmamahal sa isa’t-isa.

Kaya sa bawat litrato na ibinabahagi ni Pauleen kasama ang asawa sa kanyang social media accounts, ay hindi mapigil ng mga fans ang kanilang kilig para sa dalawa. Lalo na at kamakailan lamang ng magbahagi ng isang litrato ang aktres na kasama si Bossing Vic sa kanyang Instagram account. At kapansin-pansin ang masaya at matamis na ngiti sa mga mukha nina Pauleen at Vic sa naturang larawan.


Sa naging caption ni Pauleen ay mas lalong naantig ang puso ng mga fans sa kanyang sinabi, “I wish you can open my heart and see how much i love you. I don’t know if i say it out loud but you are the best part of my life and i wouldn’t have it any other way. Thank you for loving, caring and most especially treating me with respect. I love you soooo much @mzet280 ❤



Tunay ngang walang makakapigil sa tunay at wagas na pagmamahalan lalo na sa masaya at magandang relasyon na mayroon kina Pauleen at Bossing Vic.

The post Pauleen Luna, nagbahagi ng isang nakakaantig na mensahe para sa asawang si Vic Sotto na labis na nagpakilig sa kanilang mga tagahanga appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments