Bunsong anak ni Bangs Garcia na si Isabella, cute na cute matapos magmala prinsesa sa kanyang ika-1st birthday celebration

Kung pag-uusapan rin lang naman ay husay pagdating sa aktingan, paniguradong hindi magpapahuli dyan ang magaling na aktres na si Valerie Garcia o mas kilala bilang Bangs Garcia. Ang kanyang husay sa pag-arte ang naging daan kay Bangs upang mas lalong makilala hindi lamang sa industriya ng showbiz, kundi pati na rin sa telebisyon at mga sinehan.


Credit: @valeriebangsgarcia on Instagram

Maliban sa pagiging mahusay na aktres ay nakilala rin si Bangs sa kanyang taglay na ganda at s3ksing pangangatawan na napabighani sa puso ng kanyang mga fans. At isa sa mga maswerteng nagpatibok sa kanyang puso ay walang iba, kundi ang kanyang asawa na isang Filipino-British businessman na si Lloyd Birchmore.




Credit: @valeriebangsgarcia on Instagram

Sa pagdating ni Lloyd sa buhay ng aktres ay dito na rin naisipan ni Bangs na lumagay na sa tahimik na buhay, at nagsimulang lisanin ang mundo ng showbiz. Ikinasal si Bangs at Lloyd noong taong 2016 at nagbunga ang kanilang matamis na pagmamahalan, sa pagdating ng kanilang panganay noong December 2017 na si Amelia.


At makalipas ang tatlong taon ay siya namang pagdating ng bunsong anak ni Bangs at Lloyd, na si Baby Isabella na isinilang ng aktres noong July 21, noong nakaraang taon.

Napakabilis nga naman ng panahon at sino ang mag-aakala na ipinagdiwang ng aktres ang ika-1st birthday ng kanyang bunsong anak na si Baby Isabella.


Credit: @valeriebangsgarcia on Instagram

Sa litratong ibinagi ni Bangs sa kanyang Instagram account ay makikita ang cute na cute na si Baby Isabella, na nagmistulang mala prinsesa sa kanyang kaarawan na syang makikita sa kanyang pink dress habang may suot-suot rin na gold crown sa kanyang ulo. Hindi maitatanggi na likas kay Isabella ang taglay na ganda nito na siyang namana niya sa kanyang mga magulang.


Sa kaarawang ito ni Baby Isabella ay isang nakakaantig na mensahe naman ang ipinaabot ni Bangs sa kanyang anak at sinabing, “And just like that… you’re 1 year old!❤ @isabellabirchmore , thank you for being such a sweet, happy & calm baby, for not giving Mummy & Daddy such a hard time.🥰




Credit: @valeriebangsgarcia on Instagram

Tulad ng ibang mga magulang, hangad rin ni Bangs na lumaki ang kanyang mga anak ng maayos at mabuting bata. At sa patuloy na gabay ng Panginoon sa kanilang pamilya, ay hangad rin ng aktres na sila ay maging magandang modelo ni Lloyd para kina Amelia at Baby Isabella.

The post Bunsong anak ni Bangs Garcia na si Isabella, cute na cute matapos magmala prinsesa sa kanyang ika-1st birthday celebration appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments