John Lloyd Cruz, napasaya ang kanyang mga taga suporta dahil sa anunsyong pagbabalik nya sa showbiz

Mula sa looks, charm at talento, kuhang kuha nga naman ng isang John Lloyd Cruz ang mga Pinoy. Sa kanyang mga teleserye at mga pelikula, ay talagang lahat ay pinilahan at inabangan ng madla.

Minahal ng lahat si Popoy ng One More Chance, Miggy ng A Very Special Love at marami pang mga proyektong pumatok sa takilya.


Credit: @crownartistmgmt on Instagram

Bagamat pansamantalang nagpahinga at nawala sa showbiz ang aktor noong 2017, marami pa rin ang umaasang babalik siya.

At ngayon, ay opisyal na nga ang hinihintay ng lahat. Kumpirmado ng bumalik na si Lloydie sa showbiz matapos pumirma ng kontrata sa Crown Artist Management Inc, na pagmamay-ari ni Maja Salvador.

Sa post nito, makikita na lumapag si Lloydie sakay ng isang private jet, na talagang makikita mo ang sigla at saya sa kanyang pagbabalik showbiz.




Credit: @crownartistmgmt on Instagram

Marami tuloy ang naeexcite kung ano na nga ba ang mga nakaambang proyekto kay John Lloyd. Wala pa namang eksaktong mga detalye tungkol dito kaya’t nakaabang mga fans dito.

Matatandaang unang proyekto ni Lloydie ang kanyang papel bilang si Rovic sa seryeng Tabing Ilog. Dito nakilala si John Lloyd at nakita ang kanyang angking galing sa pag-arte.


Credit: @crownartistmgmt on Instagram

Simula dito ay marami ng sumulpot na proyekto si John Lloyd lalo na ang mga napakaraming mga pelikula nila ni Bea Alonzo mula sa One More Chance, Now That I Have You, The Mistress, Miss You Like Crazy at marami pang iba.


Ngayon, excited at naghihintay ang marami sa pagbabalik ng aktor sa telebisyon.

“Ageless ❤ di malalaos ang mga actor na combination of talent and skills. Looking forward sa new projects nito.”


Credit: @crownartistmgmt on Instagram

“Second wind is much more stronger and you wouldnt stop till you get enough.”

“he is not soooo gwapo like the others…but the appeal and the talent…ommmooooo 😍




Credit: @crownartistmgmt on Instagram

“Ganyan nga.ibalik mo Yung gana mo sa acting..napakagaling mo KayA compare sa iba.”

“My long wait is over. Welcome back my John Lloydy my forever crush 😀comeback project with Patrick Garcia, Sarah G. Toni G please, Bea Alonzo.”

The post John Lloyd Cruz, napasaya ang kanyang mga taga suporta dahil sa anunsyong pagbabalik nya sa showbiz appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments