Bea Alonzo, sinubukan maging isang “Probinsya Girl” sa tulong kanyang ina na si Madam M

Mula sa masayang pamumuhay sa bukid at ang malawakang Beati Firma na pagmamay-ari ng pamilya ng aktres na si Bea Alonzo, ngayon ay atin namang alamin ang ilan sa mga updates at ang masayang bonding moments kasama ang aktres at kanyang pamilya.

At dahil napapadalas ang pagbisita ni Bea sa kanilang farm sa Zambales, ay isang masayang experience ang kanyang ginawa kasama ang kanyang ina na si Mama Mary Anne o mas kilala bilang si Madam M.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Sa bagong video na inilabas ng aktres sa kanyang YT channel, ay sinubukan ni Bea ang ilan sa mga kadalasang ginagawa sa kanilang farm, tulad ng pagtatanim at pagpapakain sa kanilang mga alagang hayop.

Sa tulong ni Madam M, ay kanyang unang itinuro kay Bea ang pagtatanim ng Calamansi.

“Ate gusto mo ba magtanim, gusto kita pagtanimin kasi para may ambag ka dito.”




Credit: Bea Alonzo Youtube

Ayon kay Madam M, kaakibat ng pagtatanim ay ang tiyaga at pasensya na dapat lahat ng tao ay matutunan sa kabila ng hirap ng buhay ngayon.

“Para malaman ng tao na hindi lahat madali sa buhay, talagang mahirap. Patience is a virtue. Alam nyo ang pagfa-farm patience, at kailangan lagi nasa damdamin mo,”

Isa umano ang pagtatanim sa mga nagbibigay kasiyahan sa ina ni Bea, na sa kabila ng kanyang kapansanan ay hindi naging hadlang ito sa kanyang kasiyahan.


Credit: Bea Alonzo Youtube

“Ako nga ‘yan ang ginagawa ko kahit PWD na ko – pero ngayon ganito naka-upo ako, habang ako’y utos lang ng utos ng gagawin kasi hindi ko na kaya. Pero ganunpaman, nakakapagpasaya pa rin sya sakin.”

Sa naging pagtatanim ni Bea ng mga Calamansi ay mapapansin ang pagiging strict ni Madam M sa kanyang ginagawa, at mapapansin rin na kahit hindi man sanay ang aktres sa ganitong gawain ay kanya pa ring sinubukan gawin ang mga ito.

Matapos sa kanyang unang task na pagtatanim, ay sunod namang ginawa ni Bea ang pagpapakain sa kanilang mga alagang baka.


Credit: Bea Alonzo Youtube

Sa una ay makikita ang alinlangan kay Bea dahil sa takot sa mga baka, ngunit kalaunan ay nasanay na rin sa tulong ng kanyang ina.

At kung tatanungin ang aktres pagdating sa paninirahan sa kanilang farm, ay agad naman itong sumang-ayon.


Credit: Bea Alonzo Youtube

“Ako oo – pwede naman kaya lang walang signal dito eh.”

Sa masayang experience na ito ni Bea, biro pa ng kanyang ina ay marami na agad ang nakapilang gawain para sa kanya sa susunod na pagbisita nito sa kanilang farm.

“Pagbalik mo dito ang gagawin na naman natin magha-harvest tayo ng mangga at magluluto ka. Maghaharvest tayo ng mangga, maghaharvest tayo ng tilapia, tuturuan kita.”




Credit: Bea Alonzo Youtube

Mula sa kanilang maganda at malawak na Beati Firma Farm, ay ilan pa sa mga ito ay kasalukuyan pang ginagawa at ang ilan naman ay tapos na rin ang construction para sa mga bagong bahay na tutuluyan ng kanilang mga staff.

Ang magagandang staff house na ito, ay mismong si Madam M ang siyang nag-landscape at nag-isip ng magiging disenyo na babagay sa kanilang Beati Firma Farm.

The post Bea Alonzo, sinubukan maging isang “Probinsya Girl” sa tulong kanyang ina na si Madam M appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments